Chapter 26

9.8K 285 46
                                    

Paint Cenery

SUMISIMSIM ako ng kape ko habang tulala ako kina Coco at Roksie na naglalaro, hinihintay ko kasi si Deam na sunduin kami para maihatid sa Mansion. Tatlong araw na ang nakalipas at gan'to na lagi ang routine ko.

Sinusundo ako ni Deam para ihatid sa Mansion ni Captain Bato, pagkatapos ay magluluto lang ako at kapag nagawa ko nang makapagluto ay pwede na akong umuwi pero madalas nagstay pa ako do'n sa Mansion, nagbabakasakaling makikita ko si Captain.

Hindi naman na kasi umuuwi ng Mansion si Roks, tinanong ko kay Deam kung saan natutulog o umuuwi si Captain at ang sagot niya 'Kahit saan' kaya talagang lalong lumalaki ang pagkamuhi ko sakaniya, napakawalang kwentang kausap.

Pero satingin ko sa Condo niya siya nagpapahinga pero bakit do'n pa kung pwede naman sa Mansion niya. Balak ko pa nga sana itanong kay Deam ang kaso nagdalawang isip ako dahil alam ko namang sasagot siya ng 'pabobo' at kapag nagkataon baka tuluyan ko na siyang mabugbog.

"Dudes!" napatingin ako sa pintuan nang biglang linuwa nito si Roi na may dala dalang paper bag habang bagong ligo at gwapong gwapo sa suot na uniform ng AKG Charity Foundation.

Ngayon kasi mag start ang trabaho niya sa Foundation, inoffer-an ulit siya nina Atarah na mag work pansamantala do'n habang wala pang pasok.

Noong una, tinanggihan niya na naman ang offer ng AKGCF dahil may trabaho raw 'tong pag tutor. Hindi naman hamak na mas malaki ang sweldo na makukuha niya sa sa Foundation kaysa sa pagtutor.

Kaya nga isasama ko sina Roksie at Coco ngayon sa Mansion dahil walang mag aalaga sakanila rito ngayon kasi ng papasok na sa trabaho si Roi na siyang madalas na kasama nina Roksie at Coco.

Pwede ko naman na kasing iwan si Roksie sa Mansion dahil ayos na ang matitirahan niya do'n ang kaso gusto kong mangyari ay umuwi si Captain do'n para mas komportable akong ligtas ang magiging kalagayan ng anak namin do'n ang kaso 'tog lintek na Daddy 'Kuno' ni Roksie ay hindi na nagpaparamdam ng ilang araw.

"Oh almusal pinabibigay nung Deam. Meron din daw para kay Roksie." ipinatong ni Roi ang mga hawak mga paper bag sa lamesa.

Napakunot ang noo ko at lumapit sa pintuan para sumilip kung nadoon ba si Deam. "Huh? Bakit? Nasaan siya?" puno nang pagtatakang tanong ko habang palinga linga ako sa paligid pero wala naman akong makitang Deam.

"Umalis na, 'di na siya nagpakita sa'yo kasi raw marami kang itatanong at kapag nagkataon baka raw magkapikunan kayo." mahinahong usal hiya saka nito nilabas ang mga styro foam style na gawa sa papel kung saan nakalagay ang mga pagkain mula na naman sa mukhang pangmayaman na restaurant.

Pero bakit kailangan may padalang pagkain ulit ngayon? Anong ganap? May nangyari ba? Madalas gawain ni Captain ang gan'tong pagbibigay ng pagkain no'ng mga 'di pa ako nag t-trabaho sakaniya.

"Buti alam niya, nangigil ako sa lalaking 'yun ang attiude! 'Di ko alam bakit crush siya ni Gracielle. 'Di naman." bukang bibig Cielle si Deam sa totoo lang, gwapo raw at talagang na attracted siya sa ugaling niyang nakapikon. Nabangit ko nga sakaniya na single si Deam at hindi totoong may jowa kaya tuwang tuwa ang loka, kala naman niya papansinin siya.

"Sus, kala mo naman siya.." rinig kong saad niya at may binulong na kung ano ano pero hindi ko na rinig kaya lumapit ako sakaniya habang humahalukipkip.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon