Chapter 31

9.7K 366 149
                                    

Paint Cenery

HINDI ako makapagsalita pero na kay Roi pa rin naman ang titig ko. Hindi ako makapaniwala na siya nga ang misteryosong savior ko na umamin ng nararamdaman. Simula bata palang  BFF na kami at kapatid ang turingan namin kaya wala sa isip namin ang magkagusto sa isa't isa. Mahal ko siya at mahal niya ako pero ang pagmamahalan namin ay hanggang kapatid lang at kaibigan.

Kaya ngayon hindi kapanipaniwala.
Siya ba talaga 'yun? Ang isang Roi Gin, magkakagusto saakin? Malabo 'yun! Ang alam ko may iba siyang gusto na binasted siya--at paglilinaw lang hindi ako 'yun.

"Pintura.." tinapik tapik ni Roi Gin ang pisnge ko kaya nabalik ako sa reyalidad.

"Uy, bakit ka namumutla? May masakit ba sa'yo?" nag aalalang tanong pa ni Gracielle.

Napalunok ako at napahawak pa saaking pisnge na nagiinit. "Ah, wala hahaha. May naalala lang ako. Nga pala, ano ibig sabihin ng Mi amor?"

"Huh?" nagtatakang usal ni Gracielle kaya sinulyapan ko si Roi na nakataas ang kilay saakin.

"My love. Spanish word 'yun. Bakit mo natanong? Awit, ang weirdo mo sa parteng bigla mong tinanong 'yan, wews." napakagat ako saakin labi at pinaghahampas si Roi.

"Ahhh! Roi Gin naman!  Kala ko ba walang talo talo?" pinigilan niya ang kamay ko kaya ewan ko kahit masakit paa ko ginamit ko 'yun para masipa siya.

'Di kami pwede magkagustuhan! Masisira ang pagkakaibigan namin ng ilang taon. Proven and tested 'yun, mas magandang nag stay nalang sa pagkakaibigan ang dalawang tao kaysa magkagustuhan. Naknang shooting star, ang cliche na magkakagustuhan 'yung best friend. Ang hirap ng sitwasyon na 'yun, magiiba ang turingan niyo sa isa't isa. May awkwardness na, tapos kunwari binasted ko siya baka magkaroon naman ng lamat ang friendship namin o 'di naman kaya kapag jinowa ko siya paano kapag nag break na kami? T'yak sa malalamang masisira at masira ang  lahat ng pignagsamahan namin.

Hindi sa maarte ako pero ang panget tignan jusmiyo goku parang magkapatid na kami, e. Hindi ko matanggap.

"Huh? Inano kita?" painosente niya lang akong tinignan saka nilayuan.

"Nag mamaang maangan ka pa, bakit mo sinabi saakin 'yun?" bakit ko pa ba tinatanong kahit alam ko naman ang sagot? Jusme, ano self gusto mo pang kumpirmahin na mahal ka niya talaga, para ano? Magkailangan kayong dalawa?

"Ako? Ang alin? 'Di kita gets! Sorry na kung ano man 'yun." Huminga ako ng malalim at napatingin sa mga kapatid kong pinapanood ang pinag gagawa ko.

"Hoy, napapano kayo? Tigilan n'yo nga 'yan, Pintura baka bumuka pa mga tahi mo ha."  bawal ni Cielle saka ako inalalayan na mahiga ulit sa kama.

"Ewan ko d'yan, ang weirdo. Awit, gan'yan ba epekto ng gamot dito? O baka naman gamot ng pangsiraulo iniinom mo?" napakunot ang noo at nagtiim ang bagang ko dahil nakakabwiset ang pagiging pagkainosente niya.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon