Chapter 56

9.3K 231 74
                                    

Paint Cenery

SUPER bilis ng tibok nang puso ko parang nanigas ang kamay ko at 'di magawang pindutin ang gatilyo. Kaya naman wala akong nagawa kung hindi mapalunok at mapaatras  nang lumapit siya nang dahan-dahan.

We stare at each other's eyes, his eyes are
burning into me, turning some shades darker,
and mine are probably just a pool of full
panic.

Galit na galit talaga ang expresyon niya. Habang nakatutok pa rin saakin ang hawak niyang baril.

I let my eyes wander up and down his body.
He is in a black suit with a silver tie.

"Huwag kang lalapit. I'll shoot you," natatangang banta ko. Pati wordings ko walang laman at angas dahil sakaniya. I don't know what to say.

I'm really nervous! Which is not good. Ni hindi ko pa naransanan ang kabahan ng ganito kapag nasa mission ako. I feel like may hindi magandang mangyayariz

"Kill me then," mapanghamon na saad niya.

Natunton na ng likod ko ang baril at hindi maari 'yun kaya agad kong sinipa sa tiyan nang pagkalakas-lakas dahilan para mapaupo siya at magkaroon ako ng pagkakataon na ikutin ang kamay niya at apakan ito para makuha ang baril.

Pinakadiin ko ang apak sa kamay niya at tinutok sakaniya ang dalawang baril. Nagtiim ang bagang ko nang makita ko na
ang expresyon niya.

"Shoot me," malamig na sambit niya.

'Di ko maiwasan hindi mapulunok. And I know sa point of view niya aware siya na natetense ako kaya kalmadk lang siya.

Cat, wake up! Act as Cat! Please!

Napapikit ako nang mariin nang mapansin na na nanginginig ang kamay ko habang nakatutok sakaniya ang baril. "Why are you shaking? Huh?" mapanuyang sambit niya.

Huminga ako ng malalim saka pumikit at pinaputok ang baril. Sinadya ko na hindi 'to tumama sakaniya. Pinatama ko 'to malapit sakaniya.

What now, Cat? What's wrong with you?! Kill him! Remember? Kapag may humadlang sa pag tapos ko ng misyon ko ay wala akong choice kung hindi patayin siya.

And knowing this guy, hindi basta-basta 'to lilitaw dito kung hindi 'to patungkol sa trabaho niya. May hinala ako na may pakay siya. Kung hindi ako—ay baka si Allejanos. Lalo na't hindi naman 'to basta-basta makakapasok sa kwarto namin pero nagawa niya.

At delikado 'to, kailangan mapatay ko siya! Pero anong ginagawa ng katawnag lupa ko? Bakit parang may sarili 'tong isip?

Ngumisi siya saakin at hinawakan ang paa ko kaya nagulantang ako saka napaatras. "You can't kill me? Why?" tumayo siya at pinagpag ang sarili.

Kinagat ko ang labi ko saka unti-unting tinaas ang gilid ng labi ko. "I can kill you but not here.  Bakit ako magkakalat here? Can't you see? We're having fun, we supposed to do our romantic night here pero nang i-istorbo ka?"  inirapan ko siya saka sumulyap kay Allejanos na walang malay.

"Having fun?" he laughed without a humor.

Linapitan ko siya at hindi naman siya nagpatinag. Ngumiti ako saka hinawakan ang panga niya. Ni hindi siya gumagalaw at blanko lang ang expresyon niya na nakatingin saakin.

Diniin ko ang hawak sa panga niya saka pinadausdos ang nguso ng baril sa mukha niya. "Yes, bakit gusto mo ba sumali? Go suck his dick," madiin kong turan saka idinikit sa labi niya ang baril.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon