Chapter 45

9K 318 145
                                    

Paint Cenery

NANGGIGIL ako na naiiyak. Siguro dahil hindi ko mapagkakailala na sa ilang araw niyang walang maayos na paramdam ay namiss ko talaga siya ng sobra pero kahit gano'n mas malala pa rin ang galit ko sakaniya.

Dalawa lang naman ang gusto kong gawin. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at bangasan ng paulit-ulit.

"We need to talk -----"  akmang lalapit siya saakin pero agad kong kinuha ang bato na malapit saakin saka ibinato sakaniya.

Naiwasan niya naman 'yun kaya mas lalo lang akong nainis. "Huwag kang lalapit! Wala na tayo dapat pagusapan pa! Tinatapos ko na! Ayoko na!" pinunasan ko ang luha ko at umatras palayo sakaniya.

"Please.." mapungay-pungay na matang saad niya na para bang siya ang kaawa-awa saaming dalawa.

Ano 'yun? Babalik na lang siya kapag gusto niya? At a-aktong walang nangyari? G-go niya sobra!

"May klase pa ako, huwag mo na ako sundan. Huwag mo muna akong guluhin. Sana 'di ka nalang nag paramdam forever! Mas matutuwa pa ako!" galit na galit na sigaw ko mabuti nalang at maaga pa wala pang tao sa paligid at mga sasakyan.

"Don't say that, love," naghihinang saad niya.

Anak ng shooting start?! Biglang umurong 'yung luha ko dahil sa 'Love' na 'yan. Ewan ko ba lalo akog na nainis. Ang kapal kasi ng mukha, solid.

Gusto-gusto ko nalang siyang bangasan. Ang lakas ng loob niyang tawagin akong love pagkatapos ng lahat?

"Love? Ulol mo! Huwag mo 'ko sundan! Papayag ako sa let's talk na 'yan kapag naka move na ako sa'yo kaya bigyan mo 'ko ng time g-go!"

Tinalikuran ko siya at mabilis na naglakad pero napatigil ako nang habulin niya ako at agad na nahawakan ang kamay ko.

Inis ko siyang hinarap at sinampal ng pagkalutong-lutong. "Tandaan mo hindi ako kalmado ngayon, Roks." nabitawan niya ako dahil na rin nagulat siya sa nagawa ko. Nagkaroon ako ng pagkakataon na makatakbo.

Hindi na ako tumingin sa likuran ko upang kumpirmahin kung sinusundan niya pa ba ako. Nilakihan ko na lang ang bawat hakbang ko para mas mapabilis ang paglayo ko mula sakaniya.

Narinig kong may bumusina, napatingin nalang ako sa gilid ko nang mapansin ko na may kotse na sumusunod saakin.  Ang akala ko si Roks pero napansin ko na hindi 'to ang kotse niya.

Unti-unti bumaba ang bintana kaya nakumpirma kong si Deam 'yun. "Get in!"

Napatigil ako sa pagtakbo dahil nakaramdam ako ng matinding hingal. Tinignan ko pa si Roks na nakatayo pa rin siya sa pwesto niya kanina habang nakatingin pa rin saakin.

Sinulyapan ko muli si Deam. "Let's go! Para siguradong hindi ka niya hahabulin."

Una nag alangan ako sa sinabi niya dahil wala talaga akong tiwala sa lalaking 'to at isa pa sunod-sunuran 'to kay Roks baka dalhin niya lang ako sakaniya.

Kita mo nga oh parang chill lang si gago sa pwesto niya dahil siguro alam niyang may hahabol saakin para sakaniya.

"Ayoko! Dadalhin mo lang ako sakaniya!" naglakad ulit ako pero sa pagkakataong 'to ay hindi na alo nagmamadali dahil nauubosan na rin ako ng hininga.

"Stupid. Satingin mo ba papalagpasin ko ang pagkakataong pabor saakin ang tadhana?"

Hindi ko naintidihan ang sinabi niya dahil biglang napunta ang atensyon ko kay Roks na sumakay na sa saksakyan niya at palapit ito saamin.

Walang ano-ano ay binuksan ko ang pintuan ng kotse niya at sumakay. "Bilisan mo! Bilis! Bilis! Sapakin talaga kita kapag binalik mo 'ko sakaniya."

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon