Chapter 32

11.3K 343 134
                                    

Paint Cenery

NATIGILAN siya at ang kulay abo niyang mata ay hindi inalis ang paninitig saakin. Hinaplos niya ang pisnge ko at pinunasan ang luha ko kaya pakiramdam ko mas lalo lang akong nanghihina.

Napasinghap ako at agad pinigilan ang kamay niya. "M-matulog ka na lang." nahihirapan kong sambit at pilit na tinalikuran siya.

Naramdaman ko ang kamay niyang umakap sa tyan ko. Inilapit niya ako sakaniya kaya mas naramdaman ko ang init ng hininga niya sa aking batok pero hindi ako nag abalang lingunin pa siya.

"My Cenery..." pagkabigkas niya palang ng katagang 'yun may mga luha na naman nagsiunahang lumabas sa mga mata ko.

'Di ko alam kung bakit ako umiiyak,
iba ang epekto niya saakin at aamin ko 'yun. Lalo na kapag tinatawag niya ako ng gan'yan, para bang gumagaan ang loob ko."Please promise me to always remember these bible verse." mahinang bulong niya.

Hindi na ako tumugon pa at gumalaw, hinihintay kolang siya. "Psalm 37:4-5. Delight yourself in the LORD, and he will give you the desires of your heart. Commit your way to the LORD; trust in him, and he will act." halos paos pero masuyong na sambit niya habang patuloy siya sa paghaplos ng aking buhok.

Napapikit ang mga mata ko dahil sobra akong nasasaktan. Sa pagsabi niya palang ng mga katagang 'to alam ko ng hindi kami para sa isa't isa.

Anong gusto niyang ipahiwatig? Bakit niya sinasabi 'to. Alam niyang hindi ako maka Diyos at alam niyang niyang wala akong kinikilalang Diyos dahil galit ako sa tinuturing nilang Diyos tapos ang gusto niyang pagkatiwalaan ko 'yun? Hindi pa ba siya napapabagod kakapaintindi saakin ang tungkol sa mga gan'to?

Lagi niya nalang ginagawa 'to, simula nang magkakilala kami. Lagi siyang may aral na hatid saakin, kahit gaano kasama ugali ko ay hindi niya ako sinusukuaan para mabago ang paniniwala ko at tahakin ko na ang diretsong daan.

"And Jeremiah 29:11 For I know the plans I have for you," declares the LORD, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future." napasinghap muli ako lalo pa't lumalakas ang tibok at kumikirot din ang puso ko.

Talaga namang simula pa nang makilala ko siya ay maka Diyos siyang tao kaya masasabi ko talagang ng hindi kami bagay sa isa't isa dahil magkaiba kami.

Una sa lahat, mula siya sa mayaman at kilalang pamilya na mahilig sumugpo ng krimen at mga taong walang ginawa kung hindi magpakalat ng kasamaan.

Si Roks, ay isang sundalo na hindi kayang lumabag na batas o panuntunan sa kahit anong antas dahil na rin sa propesyon niya, isa na rin dahilan ang pagiging galing niya sa angkan ng mga disiplinado at iniingatan saka ginagalang ang batas ng buong bansa pero naalala ko sinabi kanina ni Deam na kusang nilabag nila ang rules and regulations ng hospital na kung saan patagong pinasok nila si Roksie sa loob ng kwarto ko para saakin. Bad influence ang dating ko, anak ng shooting star lang.

Masamang tao ako, aminadong aminado ako. Sa dinamirami ko ba namang nagawang krimen sa batas ng gobyerno at sa mata ng Diyos nila baka kapag namatay ako pagsaraduhan ako ni santanas ng pintuan.

Sa ilang buwan namin magkakilala ni Roks nakakabisado ko na ang ugali niya at unting unti kong nalalaman ang ang background niya. Galit ako mapa pulis man, sundalo, presidente, mismong gobyerno at iba marami pang iba dahil unfair sila, masasamang tao rin sila kagaya ko pero nagbubulagbulagan ang mga nakararami dahil na rin sa mga propesyon at kapangyarihan nila. Paulit ulit ko nalang sinasasabi, sa madaling salita galit ako sa mundo at Diyos dahil masyadong sila madaya pero simula nang dumating si Roks sa buhay ko ewan ko pero naguluhan ako bigla sa pananaw na gano'n.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon