Chapter 62

15.3K 411 382
                                    

Paint Cenery

WALANG tigil sa pag dausdos ang mga likido mula sa mga mata ko. Halos mapatakbo na ako pabalik sa table namin ni Bite dahil sa sobrang sakit nang nararamdaman ko.

"What happened?" puno nang pag alalang tanong ni Bite.

I bit my lower lip. "Uwi na tayo, please."

He didn't say any word basta iginiya niya na ako palabas ng restaurant. Sa iglap, nawala lahat ng gutom na naramdaman ko napalitan ng matinding sakit.

I felt a dagger in my heart. Parang kasabay ng pagtulo ng luha ko ay ang pag agos din ng dugo mula naman sa puso ko.

Ang sakit-sakit.

Wala akong magawa, pakiramdam ko wala akong karapatan mag habol sakanila dahil matagal ko ng iniwan ang buhay ni Paint at kasalanan ko ang lahat kung bakit nangyari 'yon.

Kahit pa sabihin na hindi naman talaga kami ang nagpadala sa pekeng Paint na 'yun. Still,
Ipinaubaya ko na ang dati kong buhay sakaniya. Ang kapal naman ng mukha kong kunin ito muli sakaniya dahil lang babalik na ako.

Kahit pa alam ni Roks ang tungkol saakin. Satingin ko mas pipiliin niya pa rin 'yung pekeng Paint na 'yon dahil may anak din sila.

Paniguradong mas pipiliin niya ang anak niya sakaniya kaysa saakin. Ayokong dumating sa point na kailangan niya pang ipa DNA test ang anak namin para lang tanggapin niya ito.

Ayokong kaawan nila ang anak ko at mas lalo ayokong mag beg ang anak ko sa attention niya.

Hanggang sa makauwi kami sa bahay niya ay wala akong tigil kaiiyak. Hindi ko nasabi kay Bite ang totoo kung bakit ako umiyak. Hindi na rin naman siya nagtanong, hinayaan niya lang akong umiyak.

Mabuti nalang talaga ay nakatulog din ako kaagad dahil na rin sa matinding pagod. Kaya paggising ko ay sobrang namamaga ang mga mata ko.

Sobrang na appreciate ko rin si Bite kasi talagang paggising ko ay may breakfast na. I've heard na siya lahat ng cook nito para saakin. Ready na rin 'yung mga vitamins na tinatake ko. He's trying to lighten up the mood too.

"Cat.." nag angat ako nang tingin sakaniya nang lumapit siya.

I'm here in the veranda. Nagmumuni-muni at lumalanghap ng sariwang hangin. Well, hacienda kasi 'tong bahay ni Bite dito tapos sobrang daming puno rin kaya sobrang relaxing din talaga.

"Hmm?

"Do you want to go somewhere?"

"Hindi, I'm good."

He smiled. "Tell me, kung gusto mo lumabas. I'll accompany you."

I just nodded. "And also. My wife and our son will soon be here."

Nanlaki ang mga mata ko. "Talaga?!"

"Hmm. My son wants to meet you." he smiled.

Bigla ako nakaramdam ng matinding excitement dahil sawakas makikita ko na ang family niya na matagal niyang tinatago saakin—ay hindi niya pala tinago. Hindi lang pala ako nagtatanong kaya hindi niya sinabi. Bwisit!

"Teka, I'll just take a bath! I want to go to mall din to buy gifts for them especially for my nephew."

"Ok."

Agad akong naligo at pagkatapos ay nagtungo na ako agad ng mall dahil bandang hapon dadating na sila.

I'm with bodyguards pero syempre nakakalat lang sila. Hindi ko pinasama si Bite para kung sakaling biglang dumating ang pamilya ay nandoon siya para asikasuhin sila.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon