Chapter 14

11.5K 360 40
                                    

Paint Cenery

NATAHIMIK ako sa sinabi niya dahil hindi ko talagang inaasahn na malalamang niya ang eksaktong nagyari saakin kagabi dahilan para mapuyat ako.

"Tutulungan kitang gumawa ng rules n'yo pero may tanong muna ako bago 'yun." seryoso niya saad kaya dala na rin sa kuryosidad ay nagsalita na ako.

"Ano?" nagangat ako ng tingin sakaniya dahil natulala ako bigla sa sahig. 

"Kilala kita, kilala ka ng lahat nang tao dito kahit nga 'yung mga ibang baranggay pa eh."  sobrang seryoso niya ngayon na animo papagalitan niya ako. Ang weird lang ay 'di ko makuha ang pinupunto niya.

"Tapos?"

"Hindi ko akalain na pumayag kang maging Kiss slave n'ya? H'wag mong sabihin 'yan ang dahilan bakit 'di ka niya ipinakulong at tinulungan pa?" napasinghap ako at napamasahe saaking sintido. Dapat pala hindi ko na siya hinayaan na magtanong pa sakin.

"Mamsh kapag ba sinabi ko sa'yo, ititikom mo 'yang bibig mo?" nagaalanganin kong wika. Ginusto ko mang sabihin para sana linisin ang pangalan ko pero baka ipagkalat niya.

"Oo naman." tumango 'to ng marahan. Makikita mo talagang seryoso siya pero may halong pagkasabik sa kwento.

"Ikaw at si Gracielle lang ang makakalaam kapag sinabi ko sa'yo." lumiliit na boses na sambit ko habang sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Aba hindi mo sinabi d'yan bestfriend mong si Roi?" agad naman akong umiling kaya tumango siya.

"Hindi Mamsh syempre, alam mong magwawala 'yun!" giit ko kaya siya naman ang tumango.

Naupo siya monoblock at pacute akong tinignan. "Oo na sige na kwento mo na." hayok na hayok na usal nito.

"Mamsh kapag eto pinagkalat mo hindi ako magdadalawang isipin na pahirapan kita, alam mo 'ko Mamsh." yumukom ang kamao ko kaya napatingin siya doon at napabusangot.

"Oo na sige na, ano gusto mo bang itaya ko na 'yang titulo ko sa bahay para lang maniwala kana." bumuntong hininga ako bago magsimula magsalita. Bahala na si batman basta kapag biglang kumalat 'to kikitilin ko buhay ni Mamsh.

"Gan'to kasi ang nangyari Mamsh.." inumpisahan ko nang kinuwento ang lahat na nangyari sakaniya hanggang sa ending na naging Kiss Slave ako.

"Sus, kunwari ka pang curious lang pero gusto mo rin naman." komento niya nang matapos na ako magkuwento.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon