Chapter 17

10.9K 292 81
                                    

Paint Cenery

HINDI ako mapakali nang makarating kami rito sa AKG General Hospital.
Sa totoo lang may mas malapit na hospital dun sa Quaipo pero mas gusto n'yang sa AKG siya dalhin.
Ngayon ay palakad lakad ako sa hallway kasi naman habang nasa ambulance kami sabi ni Captain Bato na 'Ok lang' daw siya kahit na halos maubos na ang dugo niya at ang masama pa rito sabi nang nurse na kasama namin ay na dislocate raw ang buto niya.

Pinaliwanag saakin ng nurse sa ambulansya na ang isang paglinsad o dislokasyon ay nangyayari kapag ang isang buto ay nahuhulog sa isang kasukasuan. Halimbawa, ang tuktok ng iyong braso ng buto ay umaangkop sa isang joint sa iyong tuhod. Kapag lumilipad o lumabas mula sa magkasanib na iyon. Basta sa madaling salita nag iba 'yung pwesto ng buto at kitang kita ko 'yun kanina sa tuhod ni Roks kasi may bumubukol na dati ay wala naman. Tapos 'yung sugat niya sa braso na parang malaking gasgas pero wagas kung magdugo kasi may tumusok din daw na kung ano.

Ewan ko ba kung anong nararamdaman ko. Malungkot, kinakabahan at guilty basta isa sa tatlong 'yan ang nararamdaman ko ngayon kasi naman parang timang 'tong si Roks. Napakamapagpanggap niyang manok, kahit hindi niya pinapakitang may masakit sakaniya ramdam ko at kitang kita ko naman kung gaano kalala ang kalagayan niya.

May mga pulis na dumating dun na iniimbestigahan ang nangyari. Aksidente ang nangyari ayon sa mga nakakita at otoridad dahil nga nagpaka Super Manok 'tong si Roks. May nilagtas daw 'tong bata. Naitulak niya ang batang babae sa isa pang lalaki ang kaso sa huli ay sakaniya nahulog ang gumuhong pader dahil masyadonf mabilis ang pangyayari at 'di na niya nagawa umalis pa.

'Di ko naman sinisisi ang sarili ko sa nangyari dahil wala rin naman akong kasalanan siguro nga kahit nandun ako sa tabi niya wala rin naman akong magagawa kung nakatakda talaga mangyari ang aksidente sa araw ngayon at isa pa kung nandun ako hindi ko rin siya mapipigilan iligtas ang bata. Sa totoo nga lang kapag nandun pa ako baka ako ang magbida bida at iligtas ang bata.

Nag-guilty lang ako sa parteng nalibang ako dun sa shooting at 'di ko na naalala si Roks na naghihintay pala saakin. Ayon sa mga tao sa simbahan ayaw daw ni Roks magpadala sa hospital dahil ayaw niya akong iwanan. Halos mag iisang oras na siya sa simbahan, nagsisiagusan na ang dugo at tinitiis ang sakit ng paa niya para lang hintayin ako.

Syempre may kung anong bacteria na naman ang nagwala sa tyan ko nang malaman kung bakit niya ginawa 'yun at 'yung huli niyang sinambit na 'My Cenery' 'di ko talaga magets pero pakiramdam ko pakitang tao lang 'yun, hayz basta guilty ako sa part na nagpahintay pa ako sakaniya.

Nang mapagod akong magpalakad lakad ay naupo na ako sa upuan. Napabuntong hininga ako at napasuklay pa sa buhok ko. Nandito ako sa labas ng kwartong pinagpasukan kay Roks. Bawal daw ako pumasok eh kaya kailangan ko maghihintay nalang rito.

"Oh Senarya bakit nandito ka tumatambay? Ang akala ko ba may trabaho ka kay Roks." napabalikwas ako nang marinig ko ang boses at mamataan ko si Nanay na nakakunot ang noo saakin. Mukhang kalalabas niya lang mula sa elevator dahil dun siya banda galing.

'Roks' nalang ang tawag nila na dati ay 'Ser' at Captain' at si Roks naman Tita at Tito na tawag kina Nanay. Ewan ko sa isang iglap parang naging  komportable ang magulang ko sa at si Roks sa isa't isa. Siguro nga dahil mabait si Roks saamin kaya gano'n nalang siya nagugustuhan nina Nanay at Tatay.

Napalunok ako at napakagat pa sa labi ko dahil ngayon ay nakataas na ang kilay ni Nanay at alam kong magagalit 'to saakin kahit wala akong kasalanan kapag nalaman niya kung anong nangyari kay Roks.

"Eh kasi Nay---ano po kasi si Ano ahmm, naaksidente po si Captain Roks." nauutal utal kong pang usal. Sa isang iglap ang nakakunot na noo ni Nanay ay napalitan ng masamang tingin.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon