Chapter 23

10K 306 118
                                    

Paint Cenery

GUSTONG gusto ko nang takpan ng mata ko dahil sa samut saring flash ng camera ang nakikita ko sa paligid ko.
Ni hindi ko na nga maaninag ang mga tao dahil sa matinding silaw.

"Uy smile ba ako?" kinakabahan kong tanong dahil hindi ko alam kung ano ba dapat ang gagawin ko.

"Be natural Cenery." bulong niya sa tenga ko na nagpakilabpt sa buong sistema ko kaya sinunod ko lang 'yun. Hindi ako ngumiti at fierce lang ang itsura ko dahil gano'n naman talaga ako.

Tumigil kami sa bandang dulo ng carpet dahil doon kami pipicture-an ng ayos. Seryoso ang expresyon ni Roks at hindi rin ngumingiti kagaya ko kaya para tuloy kaming couple sa walk of fame lol.

Hindi rin nagtagal ang picture taking na 'yun at tuluyan na kaming pumasok sa loob ng venue. "Potakte ang ganda dito." puna ko dahil parang palasyo ang lugar na 'to na pinagpasukan namin.

"You're more beautiful than this." napairap nalang sa tinuran niya, ewan ko ba kung gusto niya lang akong asarin o sincere talaga 'to. Bipolar taga 'tong manok na 'to. Parang playboy siya na nababasa ko sa libro na masyadong mapaglaro ang ibinabatong salita.

"Mas maganda pa ako kay Atarah?" nakataas kilay kong tanong para malaman kung nagloloko ba siya o hindi.

Hindi niya inalis ang titig niya at tinanguan lang ako na magpalaglag sa panga ko. "Yeah." syet, totoo ba 'to o mema lang? Baka naman gusto lang tumuka kaya ang sweet sweet?

Napakagat nalang ko sa labi saka tumawa at nailing iling. "Sige ha tignan nalang natin mamaya."
mapanghmon kong saad.

Pumasok na kami sa isang malaking pintuan kung saan dito mismo gagawin ang party. Mas maganda ang loob na 'to dahil napaka elegante ang mga desenyo ang kaso lang ay hindi lang ako komportable sa mga tinginan ng mga tao sa loob nito nahalatang halata na mayayaman dahil sa suot na halahas at dress.

Agaw atensyon talaga ang pagdating namin parang ang importante naming tao sa paraan ng pagtingin nila.
Nginingitian nila ako kaya gano'n din ang ginagawa ko. "Satingin mo ba hindi masusunog mga 'to pag lumapit saakin?" nginisian ko si Roks pero kinunotan niya lang ako ng noo.

"What do you mean?" nagtatakang tanong niya.  Tss, ang kupad din talaga pumick up ng isang 'to minsam.

"Syempre sila plastic tapos ako Hot. Mabilis masunog ang plastic kapag nadidikit sa mainit na apoy." natatawa kong sambit, ang akala ko ay a-asim ang exspresyon niya pero hindi dahil ngumiti pa 'to saakin.

"That's my Cenery." kinindatan niya ako at kinagat niya ang labi niya kaya napangisi nalang din ako at nagpatuloy kami sa paglakad.
Bakit ba ang gwapo ng Captain Bato na 'to? Nakakainis lang.

"Where's our table?"  sambit ni Captain sa isang babaeng staff ng program.

"This way po." iginiya kami ng babae sa kung saan kami dapat uupo at hanggang ngayon hindi pa rin kami makatakas sa mapanuring tingin ng mga pesteng mayayaman na 'to. Ang sarap dukutin ng mga mata nila, Tss. Halatang gustong gumawa ng chismis. Jusme. Wala talagang pinipili tao ng sakit na chismosa syndrome, mapa mayaman at mahirap ay dindapuan nito.

" 'Yung family mo ba invited?" tanong ko nalang inalis ng atensyon sa mga nakatingin saamin dahil baka nkagwa ng ko ng gulo dahil sa badtrip sakanila.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon