Chapter 41

8.1K 224 98
                                    

Content Warning: This Chapter contains intense violence, nudity, strong words, blood and gore that traumatize and trigger some of the readers. You can skip the violence part or much better the entire chapter.


Paint Cenery

LUMAKAS ang hiyaw niya na may halong pag iyak pero mas lalo ko lang diniin ang pagkasakal sakaniya.

"ANO bang sinasabi mo? Bitawan mo 'k-ko!"

Napapikit ako ng mariin at nanginginig na binitawan ang tali dahil parang bigla akong natauhan.

Nag flashback na naman sa isipan ko ang pagiging agresibo ko noon. Lagi ako nakikipag basag ulo at sa huli kahit ako pa ang biktima ako pa rin ang lalabas na may kasalanan.

Hingal na hingal siyang tinignan ako. Maluluha ang mga mata niya pero nanlilisik. "Kakasuhan kita nang attempted homicide! Wala naman akong ginagawa sayo, nag t-trabaho lang po ako dito."

Napalunok ako nang marinig ko ang salitang 'kaso' at 'attempted homicide'
Tama siya, muntik ko na siyang mapatay, nagpadalos dalos ako sa aksyon ko.

Hindi ko na naman pinagisipan. T-ngina.

Paano nalang kung tama pala siya? Paano kung ako lang nagiisip na may masamang balak ang lugar na 'to saamin? Paano kung napatay ko siya at inosente pala siya.

Paano?

Potakte, ano ba dapat gawin? Hindi ba dapat maniwala ako sa pakiramdam ko ngayon lalo pa't sa paningin ko ay hindi sila inosente at may masama silang balak.

Hindi naman ako tanga para hindi ko makita ang kadelikaduhan ng lugar na 'to, hindi lang basta basta spa 'to. Pakiramdam ko kuta 'to ng mga demonyo.

Hindi maganda ang pakiramdam ko, sa mga nakikita ko sa paligid at sa unang karanasan namin. Hindi ko mawari kung anong tawag sa gan'tong lugar pero ang alam ko, delikado rito.

Bumuntong muli ako at mapungay pungay siyang tinignan. " Sabihin mo, anong klaseng lugar 'to? Bakit may gan'yang bagay dito? H'wag mo 'kong paikutin dahil 'di ako gano'n kabobo kaya h'wag mo 'kong subukan, please lang." mahinahon kong saad saka madaling sinuot ang bathrobe ko na nakalapag sa water bed.

Hindi niya ako sinagot at sa halip ay umiyak lang siya na parang bata.

"Bwiset!" sinipa ko ang nakakalat na gamit at nagtungo nalang sa pintuan pero akmang bubuksan ko ay natigilan na ako nang mapagtanto na nakalock pala.

Sinipa ko ng pagkalakas lakas ang pintuan pero hindi siya nabubuksan. Huminga ako nang malalim at naghananap ng buwelo ngunit bago ko pa magawa 'yun ay naramdaman kong may pumokpok sa ng matigas na bagay sa likod ko.

Agad akong napaluhod pero nang maramdaman kong may ta-tama na naman saakin ay agad akong kumilos at pinigilan siya.

Sinangga ko ang panghahampas niya saakin na isang makapal na klase ng kahoy, isang dospordos.

Masakit pero mas nanaig ang galit ko ngayon kaya wala akong oras na mag inarte.

Tinitigan ko siya ng pakurap-kurap pa.
"Seryoso ka ba sa ginagawa mo?" unti unti sumilay ang ngiti sa labi ko kaya agad nanlaki ang mga mata niya at binitawan ang hawak niya saka napaatras pa.

"Tulong!" aba, ang gaga ang kapal ng mukha siya pa ang humihingi ng tulong? Sarap itesting gamit ang dospordos kung gaano katigas mukha nito.

Kinuha ko ang dospordos na nasa sahih ay at sinayad ko ito sa sahig para gumawa ng nakakakilabot na tunog na katulad ng mga napapanood sa horror movies.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon