Chapter 6

16.2K 539 118
                                    

Paint Cenery

WINDANG na windang na ako sa mga nangyayari ni walang maayos na ideya na pumapasok sa isip ko para makatakas sa isang bingit ng selda.

Napalunok ako at iniwas ang tingin kay Captain Roks nang biglang may isang kotse na mukhang mamahalin ang tumigil sa harapan namin. Bumaba doon ang isang lalaki na halos kasing tangkad ni Captain Roks,  all black ang outfit kaya kitang kita ang kayumangi niyang balat.

Walang expresyon ang mukha nito kagaya nang kay Captain Roks.
Lumapit 'to saamin dahilan para si Roks  ay iniwan ako kasama ang lalaki at pumasok nalang siya doon sa driver seat ng mamahaling kotse.

Naramdaman ko ang pagahawak ng lalaki sa braso kaya nagpumiglas agad  ako. Nanlaki ang nata ko dahil kumpara kay Roks mas mahigpit ang hawak nito saakin. Napalinga linga ako sapaligid dumarami na ang chismosang nanood saamin.

"Tulong! Kinikidnap po ako! Tulong!" sigaw ko sa kanila pero imbes natulungan ako karamihan sa mga matanda at batang babae ay pinagpapantasyahan ang lalaking may hawak saakin pati na rin si Captain Bato na nasa loob ng mamahaling sasakyan samantalang ang mga lalaki naman ay natutuwa lang na pinapanood na hinuhuli ako.

Pashnea!

"Hoy ano tu-tunga lang kayo d'yan, tulungan n'yo ko! Wala naman akong ginawang masama!" galit na saad ko pero hindi pa rin sila kumilos kaya ginawa ko ang lahat para magpumiglas sa lalaking may hawak ng braso ko pero hindi ko magawa.

Napangiwi ako nang makitang dumarami ang agos ng dugo sa kamay kong nasugutan ng bugbog ng toyo.
"Wait lang name ser, nasaan ba 'yung warrant----wata!" mabilis kong sinipa ang lalaking may hawak saakin pero masyado 'tong mabilis at nahawakan nito ang paa ko saka galit na binagsak kaya napadaing ako.

"Deam, talk to the people here. I don't want to see my face in the news paper and television again." ibinaba ni Roks ang bintana ng kotse at binigyan ng seryosong tingin etong lalaking nag ngangalang Deam.

"Yes, Captain."pinilit akong iginiya nung Deam papunta sa mamahaling kotse pero umupo lang ako at sinayad sa lapag ang pwetan ko.

"Mamsh Jorgie! Tulong!" umalingaw ngaw ang sigaw ko habang nakatingin sa bahay ni Mamsh na hindi kalayuan dito pero walang lumabas doon na gurang na laspag kaya napabuntong hininga ako at binigyan ng matalim na tingin ang mga nanood saakin.

"Tandaan n'yo 'yan! Kapag katawan ko nachop chop! Susunduin ko mga kaluluwa n'yo, sasama ko kayo sa impyerno! Mga Pashnea na taskil!" wala na akong nagawa nanag kalakarin ako ng lalaking si Deam papasok ng mamahaling kotse.

Napaawang ang labi ko dahil mas maganda sa loob ang sasakyang 'to at talagang napaka bango ng amoy. Amoy Captain. Hmm.

"Be a good dog, if you'll come without violent reaction. You'll not become sisig." malamig na usal ni Captain Bato kaya binigyan ko siya ng 'Ows talaga' look pero agad akong natauhan nang marealize ko na dapat pala mabait muna ako sakaniya para hindi ako ikulong.

"Uy pwedeng taympers muna?" saad ko saka itinaas ang kamay ko kaya napatingin siya sa duguaan kong kamay.

"Its time freeze not taympers lol." nakipansin kong may nilabas siyang panyo sa parang cabinet dito ng kotse niya. Hinila niya ang kamay ko at unti unting tinaliaan ang may sugat kong kamay para tumigil sa pagdugo at nang matapos siya ay sinadya kong patamaan siya sa mukha.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon