Chapter 50

8.5K 231 119
                                    

Paint Cenery

BUMILIS ang pintig ng puso ko habang nakatingin sa mga mata niya na parang siya pa ang gulong-gulo sa nangyayari.

Kapal ng mukha.

"Anong sinabi mo?" tanong ko.

Narinig ko naman at naintindihan pero hindi ko lang talaga matanggap. Ayaw mag process sa utak ko ang nangyayari.

Pagod siyang bumuntong hininga. "I know, you've heard it right, Cenery. Hindi ko na kayang ulitin pa." sa tono palang nang pananalita niya animo mo siya ang biktima saaming dalawa.

Sarkastiko akong tumawa pero sa kabila nito tuluyang ko nang naramdaman ang sakit sa kaloob-looban ko. Sobrang bigat na pero hindi ko naramdaman na may namumuong luha sa mga mata ko.

Kalakip ng sakit na aking nararamdaman ang pag usbong ng malalang galit sa kalooban ko.

Pinipigilan ko nalang ang sarili ko na huwag magmukhang kawawa sa harapan niya dahil mas mataas ang antas nang pagkamuhi ko sakaniya.

Susubukan kong huwag umiyak sa harap niya dahil lang sa kagaguhan na ginawa niya saakin. Ayokong tuluyan siyang magbunyi dahil nagawa niya ang hinahangad niyang masaktan ako.

Binalot kami nang katahimikan na nag paurat pa saakin.  "So ano na?" mapanghamon kong tanong.

"I'm sorry.."

Sorry? Puro nalang sorry? Wala na bang bago sa script niya? Paulit-ulit? Gamit na gamit niya na ang salitang 'sorry' na 'yan. Umay.

'Di ko napigilan ang sarili nang kusang gumalaw ang kamay ko at sinampal siya nang pagkalakas-lakas.

Hindi naman siya natinag at napayuko nalang.

"T-ngina, ayan ka na naman sorry ka ng sorry ko. Pero hindi ka naman sincere gumagawa't gumagawa ka pa rin ng kat-rantaduhan saakin! Lalo mo 'kong winawasak sa sorry mo na 'yan!" hinampas-hampas ko siya sa dibdib at dahil nasa hagdan kami ay tinulak ko pa siya dahilan para muntim pa siyang ma out of balance pero hinahayaan niya lang ako.

"Ano 'di ka na naman magsasalita? Pipi ka naman? Wala ka nang gagawing aksyon para paikutin ako? Roks, tanga at bobo ako dahil mahal kita kaya pwedeng pwede mo pa ako kumbinsihin na maniwala sa'yo! Ano sagot! Magsinungaling ka!"

Hindi siya umimik kaya yumukom ang kamao ko at nilapitan siya para kwelyuhan. At muli, hinayaan niya lang ako. Para siyang lantang gulay na walang magawa.

"Ano?! Ano sawa ka na ba na paglaruan ako? Gusto mo na tapusin ang p-tanginang laro niyo?!"

Marahas ko siyang binatawan. At tumawa kahit ng sarkastiko. "Ok sige! Saka ko na tatanggapin 'yang sorry mo kapag binaril mo ng sampung beses si Atarah sa ulo pero buhay pa rin. Kapag nabuo mo pa rin 'yung sumabog niyang utak   pagkatapos mo mag sorry sakaniya patatawarin kita."

Sa pagkakataong 'to tumitig na siya sa mga mata ko. "Nakuha ko na atensyon mo nang mabangit ko ang pangalan ng mahal mo? 'Di mo magagawa 'yun para saakin hindi ba? Sino ba naman ako para piliin mo?"

'Di ko akalain na masasambit ko pa ang linya na kinandidirian ko. Iba pa rin talaga kapag nasa sitwasyon ka na ng gan'to.

"Don't say that, please." ayan pumungay na naman ang mga mata niya.

Alam niya ano kahinaan ko.

Kumot ang noo ko. "Ay bakit bawal? Ibang klase kapag naiinvolve si Atarah sa usapan do'n kalang mag sasalita. Sabagay nga naman mas pipiliin mo nga naman 'yung tunay mong mahal kaysa sa katulad kong laruan mo lang. Sige, ako nalang barilin mo sa ulo. Mag sorry ka at kapag nabuhay ako. At kapag nabuo mo pa rin 'yang winasak mong bungo ko, edi pinapatawad na kita."

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon