Chapter 20

12.3K 333 63
                                    

Paint Cenery

PINILIT kong tumawa at nagpatay malisya nalang sa tensyon na namumuo sa magkabilang kampo.
"Hahaha, wala kayong shooting ngayon Direk?" pangsasabat ko para maputol ang malamig na tinginan nila sa isa't isa.

Nilingon ako ni Atlas at nginitian."I'm personally checking this place for the next scene." namangha naman ako at napatango tango. Maganda nga 'tong lugar na 'to para gawing shooting location.

"Wow, talagang tutok na tutok ka sa trabaho niyo no, hindi talaga mapagkakaila na isa kang international award winning Director." pagpupuri ko sakaniya, sumulyap muli ako kay Roks na saakin naman ngayon nakatingin.

"Mabuti pala't magkakilala kayo ng boss ko no? Mukhang magkakilalang magkakilala kasi no, base sa mga tinginan n'yo." makahulugan kong sambit kaya natawa lang si Atlas.

"We're classmate since pre-school until second year college." napa 'oh' nalang ako nalang ako sa nalaman ko. Napatango tango nalang ako sabay lingon kay Roks.

"Nice meeting you again Atlas, let's go Cenery." napakunot ako ng noo nang tinulak na ni Deam ang wheelchair ni Roks na sinundan naman ni Jacques.

Kaya humingi ako ng paumanhin na tingin. "Ay pasensya na tinoyo na naman siya. Masungit kasi madalas ngayon 'yun lalo na gano'n ang sitawasyon niya."

"It's ok, I understand. I didn't expect that I'll see him again in that kind of situation." napatingin naman ako sa mga ibang staff niya na may kaniya kaniyang mundo bago ko tinignan ang palayong sina Roks.

"Alam mo ba nung una tayo nagkita 'yun din ang araw na naaksidente siya." napanguso at binalik ang tingin sakaniya.

"Sorry to hear that." sagot niya pero nginitian ko siya ngunit napitlag ako nang marinig ko ang malakas na boses ni Jacques.

"Paint! Tara na raw!" napatingin ako sa gawi nila na ngayon ay tumigil na muna sila sa paglalakad para hintayin ako.

"Uhm, Sige na sibat na kami ha?Masaya ako na nakita kita ulit! Babush!" aalis na sana ako ngunit naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko kaya napalingon muli ako sakaniya.

"Let's have lunch or dinner together sometimes?" napakagat ako saaking labi at napalunok ba. Tinatanong niya ba ako kung gusto kong makipag date? Pero mukhang malabo baka lunch o dinner kasama 'yung mga staff niya. Tama, tama.

"Uhm oh sige lunch ang kaso nawala ko 'yung calling card mo eh. Penge nalang ulit?"  hindi ko na alam kung nasaan 'yun. Nabitawan ko ata nung patakbo akong pumunta sa simabahan kahapon.

"Paint tara na!" sinenyasan ko sina Jacques na 'wait lang' habang amg buong atensyon ko ay na kay Atlas lang.

"Here. Text me please so that I can easily save your number." inilahad niya saakin ang calling card niya na agad ko rin namang kinuha dahil nagmamadali na ang mga kasama ko.

"Bye!"

"Hope to see you again Paint." pahabol niya kaya kinawayan ko nalang siya at nagtungo na palapit kina Roks saka ko nilabas ang cellphone ko para itype ang number ni Atlas at nang matapos ko na ay agad ako nagtype ng message.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon