Chapter 3

18.5K 450 84
                                    

Paint Cenery

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Paint Cenery

PAANO ako makakalas sa halikan namin kung dalang dala na ako. Nanlalambot ang mga paa ko at pakiramdam ko mabubuwal ako dahil sa init na nararamdaman ko dahil sa malalim naming halikan.

Pinagpapawisan ako ng malamig dahil kailangan ko ng makaalis dito sa bar at halikan naming ito dahil kung hindi magpapadala ako sa nararamdaman ko ay mahuhuli ako.

Hindi ko pwede makalimutan ang pakay kong nakawin ang wallet niya. Hindi dapat ako madala sa malambot niyang labi at galing niyang humalik dahil kapag nangyari 'yun posible akong mahuli at worst ay baka ako na mismo maghubad sa harap niya.

Pumikit ako ng mariin at ibinaba ang kamay ko sa malapad at ma-muscle na dibdib, wala na akong choice kung hindi itulak siya dahilan para tumama diya sa isang table at nahulog sa kaniya ulo saka katawan ang babasaging mga baso na may alak kaya nanlaki ang mga mata ko at napaatras ng paunti unti dahil may dugo akong nakikita.

Sh-t.

Tanga ka, Paint. Mas pinalalaki mo ang chance na mahuli ka. Nasaan na 'yung dakilang magna? Bakit parang nawala ang skill mo ngayon dahil sa lalaking kulay abo n'yang mata? Wrong move.

Napakagat ako sa labi at mabilis na tinalikuran ang mga 'to lalo pa't pinagkakaguluhan na siya ng mga babae. Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang walang nakapansin saakin lalo pa't naka dimmed ang light.

Nanginginig ang kamay ko na hawak ang wallet niya habang mabilis ang paghinga at paghakbang ko palabas ng bar na 'yun. Pinilit kong maging 'chill' lalo pa't naririnig ko ng nagkakagulo silang lahat dahil kapag nagmukha akong natataranta ay kahina hinala na ako.

Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa makalabas na ako. Taas noo lang at hindi ipinahalata may ginawang akong karumaldumal, dire diretso ako
sa parking lot kung nasaan ang Van pero nasubsob pa ako dahil natapilok ako."May sumpa ata 'yung lalaki 'yun." inis kong saad mabuti nalang at hindi tuluyang nagasgas ang mukha ko pero ang tuhod ko ay dumudugo.

Nagtiim ang bagang ko habang inaalis ang letseng hills na pinasuot saakin. Napangiwi pa ako nang makita ko ang paltos sa paa ko. "Ang malas malas.." usal ko at paika ikang pumunta ng Van kung saan naabutan kong nakabukas 'to at naghihintay si Erichka saamin.

"Paint, anong nangyari sa'yo?!" gulat na saad niya habang inaalalayan akong makapasok sa loob ng Van. At nang tuluyan na akong makapasok ay napasandal na ako sa upuan dahil sa hapdi ng paa at tuhod ko.

"Ang obob kasi ng takong na 'to, tinapilok ba naman ako, 'yun nadapa ako tapos 'di pa nakuntento nagiwan pa ng paltos sa paa ko. Nyeta talaga." inis na saad ko saka pinikit ng mariin ang mata ko.

"Baliw 'to, sinisi pa sa heels ang kalampahan." napadilat ako ng mata dahil sinabi niya saka sinamaan siya ng tingin pero nakangiti lang 'to.

"Nasaan si Mamsh Jorgie?" tanong niya kaya napairap ako at tumingin sa right side ko kung saan nakabukas nag pintuan ng Van.

"Nandoon sa loob chinecheck 'yung CCTV. Nasaan na ang tatlo? Oras na ha.." sambit ko sakaniya saka humikab dahil talagang nakakaramdam na ako ng pagod at antok.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon