Chapter 28

11.7K 435 128
                                    

Paint Cenery

KINAPAKAPA ko ang cellphone ko sa tabi ko nang mag alarm ito. Nakalimutan kong alisin ang pag ka set ng alarm nito kagabi dahil nakasanayan ko na kasi na mag alarm noog may trabaho ako kay Roks.

Sa paggalaw ng kamay ko ay may kung ano akong nakapa na alam kong pigura ng isang tao. Ewan ko kung panaginip ba 'to o ano pero naamoy ko ang pamilyar na pabango ni Captain.

Napaka imposibleng katabi ko siya ngayon. Hinaplos haplos ko ang nakapa ko upang kumpirmahin kung si Hanz pa ba 'to dahil siya lang naman ang katabi ko rito sa lapag pero nakakapagtaka na 'di ko maramdaman ang payatot na katawan ni Hanz kaya agad kong minulat ang aking mga mata upang tignan 'to.

Napabalikwas nang makita ko si Roks sa tabi ko na taimtim na nakatitig saakin kaya agad kong tinaklob ang  kumot sa sarili ko para hindi niya makita ang itsura kong sabog.

Potakte ngayon nalang ulit ako na conscious ng gan'to kahit pa ilang beses niya na akong nakitang bagong gising na walang toothbrush, magulong buhok at may mga muta pa.

"Anong ginagawa mo rito?" napapikit ako ng mariin para maalis ang inaantok kong pakiramdam.

Naramdaman ko siyang gumalaw kaya umusog ako ng kaunting paatras.

"Why are you hiding?" paos na boses na saad nito. T'yak akong mapungay pungay ang mga mata niya ngayon o kaya naman umiigting ang panga nito.

"Ako una nagtanong 'di ba ?" mataray ang paraan ng pananalita ko dahil lalo akong nabadtrip sakaniya sapagkat siya ang dahilan bakit 'di na naman ako nakatulog ng ayos kagabi.

Madami akong tinatanong sa isipan ko, isa na roon ay kung bakit ba ako umiyak ng dahil sakaniya.

Anak ng shooting star ang weirdo ko kahapon, dapat inis lang ang nararamdaman ko sakaniya nun ayaw ko man aminin pero kasi may kung anong mabigat sa dibdib ko tapos parang kumikirot nang makita ko siya kahapon.

"I'm here to fetch you. Can you remove this d-mn blanket it's so annoying, I want to see you." masuyo pero may diin na saad nito pero hinigpitan ko lang ang hawak ng kumot dahil ayoko makita niya ako.

"Ayoko nga, teka ang ibig mo bang sabihin hindi mo 'ko aalisin sa trabaho? Pero 'di ba ikaw na nga mismo nagsabi kahapon na iresponsable ako na kesyo oras ng trabaho nakikipag date? Karapat dapat na alisin ako 'di ba?" nakayukom ang kamao ko dahil may gigil talagang hatid ang bawat sinasambit ko.

Nang tinalukuran ko siya kahapon ay hindi niya na kami tuluyang sinundan. Hinayaan niya na kami ni Atlas pero kahit gano'n ay hindi pa rin ako mapakali, maya't maya akong sumusulyap sa paligid.

Ang gulo rin kasi ng utak ko dahil may parteng saakin na gusto kong sundan niya kami at may parteng h'wag dahil inis ako sakaniya kaya nga kahapon lutang ako lalo pa't naguguluhan ako sa nangyayari saakin pati kay Roks dahilan para hindi ko nabibigyan pansin si Atlas. Ni hindi ko naintindihan ang pinanood naming movie pati na rin ang bawat paliwanag niya sa mga painting na mga interest ko pero kahapon 'di ko nabigyan pansin dahil kay Captain Bato.

Mabuti nalang at naiintindihan ako ni Atlas. Hindi nga siya nagtataka at nag usisa pa nang makita niyang mapula ang mata ko. Back to normal lang kami nag makalayo na kay Captain na parang walang nangyari.

"Look I didn't mean to say that I'm sorry Im just uh---" pinutol ko na agad ang pagpapaliwanag niya dahil wala pa akong sa mood marinig ang mga 'yun.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon