Chapter 40

11.3K 265 145
                                    

Paint Cenery

NASA sasakyan na kami sa mga oras na 'to, nakasandal lang ako sa upuan habang pinapanood ang paligid ng mga nadaanan namin.

Mabilis ang araw at 'di ko na malayan naka isang linggo na pala kami rito sa Batanes. Masyado kasi akong nag enjoy sa kagandahan ng lugar na 'to pati na rin sa lalaking kasama ko kaya nawala na sa isip ko na may katapusan pala.

Sobrang sulit ang naging bakasyon namin sa lugar na 'to. Napakaganda naman kasi talaga at nakakarelax. Sobrang nag enjoy kami lalo pa't
napakarami naming activities na ginawa.

Nandoon na 'yung nag sky diving, nangisda, foodtrip, nag punta sa museum, zoo at syempre sa hunted house. Pinagbibigyan ako ni Roks sa lahat ng gusto ko. Ni hindi niya talaga hinahayaan na 'di ako mag e-enjoy sa bawat minutong panatili namin dito.

"Tell me if you want to pee or you're hungry, huh?" biglang saad ni Roks na kanina pa tahimik dahil nasa daan ang focus niya.

Tinanguan ko lang siya at binalik muli ang tingin sa bintana. Uuwi na kami sa Manila gamit ang sasakyan niya, road trip gano'n. Eh, tinanong niya naman ako kung gusto ko ba raw mag eroplano nalang kami kasi nga may Philippine Airlines and Skyjet Air fly sa Basco.

Mas mapapabilis ang uwi namin sa Manila kapag 'yun ang sinakyan namin dahil 70-110 minutes lang daw. Ang kaso ang sabi ko ayoko mas gusto ko ng gan'to para mas matagal pa kami magkasama at isa pa nag punta kami rito na naka road trip din eh, hindi naman pwedeng iwan nalang namin ang sasakyan niya at papakuha nalang sa mga tauhan niya. Hassle.

Umayos ako ng upo at napatingin ako sa back seat na punong puno ng pasalubong namin. Syempre siya lahat gumastos, sabi ko pautangin nalang ako pero ayaw niya naman. Ang sabi niya kunin ko raw lahat ng gusto ko siya na raw bahala.

Nanliit tuloy ako. Hindi naman pwede kasing laging siya nalang ang nagastos. Hindi naman porket siya ang mayaman saamin ay sakaniya ko na iaasa ang lahat. Hindi ko naman siya human bank. At mas lalong 'di ko siya sugar daddy.

Napabuga ako ng hininga at hinaplos haplos ang braso ko dahil nakaramdam ako ng lamig.

"Wrap it to you. Can't hug you, safety first," malokong saad niya saka inabot saakin ang blanket na may design pang aso at saka niya hininaan ang aircon.

Bumaling muli ako sa bintana at sakto namang tumigil ang sasakyan dahil nag traffic. Agaw pansin ang isang grupo ng kabataan sa gilid namin at agad na dumako ang paningin ko sa
isang batang babae na ang laki ng umbok ng tyan habang nakapalibot pa sakaniya ang mga barkada niya.

"Tss, kabataan ang pag asa ng bayan," sarkastiko kong saad.

Napailing iling nalang ako."Menor de edad lang ata 'tong batang 'to buntis agad. Marunong na kaya 'to maglaba ng sariling panty?"

Paano naman kasi ang laki ng tyan ng bata tapos nasa daan pa rin siya kasama barkada niya imbes na magpahinga nalang sa bahay, anak ng shooting star alam ng delikado ang pag bubuntis lalo na't bata pa siya pero napili niya pa rin tumatambay sa daan.

"Hays, 'di talaga dapat ni-normalize ng bansa natin ang teenage pregnancy. Oo nga't blessing pa rin ang baby pero nakakalungkot talaga kapag sa batang ina nang gagaling 'yun, na mas ok raw na 'yun ang sabihin kaysa magpalaglag ng bata. Tama naman siya oo pero hindi ba't mas okay 'yung h'wag nalang muna mag pabuntis sa murang edad? Dapat kasi talaga nag aaral pa ang mga 'yan at walang problemang iniisip.  Halos sa mga kabataang nabubuntis ni wala naman silang pantustos, aasa pa rin sila sa magulang nila. Hays, napakalaking responsibilidad ng pagiging ina. Kawawa naman kasi ang magiging baby kapag hindi natustusan ang pangangailangan, 'di ba?" iritado kong wika habang nakatitig pa rin sa mga kabataan.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon