Chapter 49

10.8K 307 385
                                    

Paint Cenery

NAGTIIM ang bagang ko at napahawak nalang ako sa sintido ko saka minasahe 'to habang naglakad na palayo sakaniya.

"Saan ka pupunta, Pintura?!"

Naramdaman kong hinabol ako ni Roi Gin kaya binilisan ko ang paglalakad ko pero hindi rin nagtagal ay naabutan niya ako.

Marahan niyang pinigilan ang kamay ko. "Hindi mo ba pupuntahan ang Nanay mo?"

"Kaya nga uuwi na ako. Para puntahan siya," walang ganang saad ko kaya nagtiim ang bagang niya.

"Ang ibig kong sabihin ang tunay mong Nanay, si Tita Aliana!"

Marahas kong tinanggal ang kamay niyang nakahawak saakin at tinulak siya. "Tumigil ka na! Ano bang pinagsasabi mo. Mas pinapalala mo ang sitwasyon ko, Roi Gin! Hindi ako nakainom ng gamot ngayon kaya siguradong nag h-hallucinate na naman ako. Kung ano-ano nakikita ko. Peste!"

Hindi pa rin mag sink-in sa utak ko ang nangyayari. Hindi naman kasi kapanipaniwala ang ganap. Pakiramdam ko guni-guni ko lamang ang lahat.

Tinignan niya ako ng hindi makapaniwala. "T-nga ka ba?! Nasa harap mo na siya! Nakikita ko, nakikita mo! Nakita nating lahat kaya anong pinagsasabi mong nag h-hallunicate ka? Totoo 'yun, Pintura. Siya ang Nanay mo, Si Tita Aliana. Hindi si Tita Alice."

Hinawakan ko kwelyo ng damit niya at masama siyang tinignan. "T-ngina, Roi Gin. Kung gusto mong mangtrip huwag mo sayangin oras ko. Marami na akong problema! Huwag kang nang dumagdag pa," mariin kong saad.

Buong lakas ko siyang tinulak kaya napahiga siya sa damuhan. Nilapitan ko siya. "Binabalaan kita Roi Gin, huwag na huwag kang makisawsaw sa problema ng pamilya ko. Nakakagulo ka lang.."

Tinalikuran ko siya at naglakad na palayo sakanila. "Luh ogag ka dudes! Binibigyan na nga kita ng sagot nag t-tanga tangahan ka pa! Sige kahit itanong mo pa kay Tatay Dionisio ang lahat ewan ko nalang kung hindi ka pa rin maniniwala!"

Napatakip nalang ako ng tenga at napatakbo nalang ng mabilis. Takbo ako nang takbo at 'di ko alam kung saan ako papatungo.

"Ahhh!" impit na sigaw ko dahil pakiramdam ko may kung ano-ano akong naririnig na boses sa utak ko.

Hindi ako umiiyak pero nanginginig ako at bahagyang nanghihina pero nagawa ko paring tumakbo na para bang may humahabol saakin.

Hindi na ako hinabol pa ni Roi. Takbo lang ako nang takbo ng ilang minuto hanggang sa mag kanda ligaw-ligaw na ako.

Ngunit hindi rin nagtagal ay tumigil ako sa pagtakbo at hinabol ang aking hininga dahil nakaramdam na ako ng pagod.

"Paint, kumalma ka.." bulong ko sa sarili ko.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Mauubusan yata ako ng hininga.

"Kalma lang," saad saakin sarili. Nagdahan-dahan ako sa paglalakad at inisip kung saan nga ba ang daan palabas ng village na ito.

Anak ng shooting star!

Habang naglalakad ako ay hindi ko na pansin na napadaan ako sa isang malaking bahay.

At napaka mapaglaro ng tadhana dahil
nakita ko roon si Aliana. Nakaupo siya sa balcony. Nakatulala lang siya na para bang layo ng iniisip.

Biglang pumasok sa isipan ko ang eksena ni Nanay sa hospital kasama ang isang babae. Pati na rin ang kausap si Nanay sa telepono na babae at ang laging pagpupunta ni Nurse Sandy sa AKG hospital para bisitahin si Tatay at Nanay.

Naalala ko, napakilinaw pa sa isipan ko kung paano nginitian ni Nanay ang babaeng kausap niya sa telepono at sa hospital kung saan ko rin siya nakita.

Napakabait at nginingitian ni Nanay ang babae na noon sinasabing kaibigan niya raw. Nagtaka na ako noon dahil sa ilang taon kong nabubuhay sa mundo ni wala akong kilalang kaibigan ni Nanay at mas lalong hindi naman ugaling ngumiti nito.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon