Chapter 27

10.3K 294 70
                                    

Paint Cenery

SA ARAW na 'to kami aalis ni Atlas para magsabay kumain ng tanghalin at hapunan, hinihintay ko nalang na sunduin n'ya ko. Wala akong kahit anong gagawin bukod sa pag aalaga kina Roksie at Coco pero dahil nandito kami sa hospital ay libre ang oras ko para gumala lalo pa't pinayagan ako ni Tatay.

Bumisita ulit kami ni Coco rito kasama si Roksie dahil nawili siya na mag stay dito dahil madaming pagkain, TV, may aircon na gustong gusto ni Coco at higit sa lahat kasama niya ang magulang ko kaya pinagbigyan ko na. Nasabi ko kasi sakanila na dayoff ako dahil masyadong busy ang boss ko at pansamantala niya akong 'di kailangan.

At dahil may pinayagan ako ng mapakabait kong ama na mag lunch kasabay si Atlas pero may ginawa siyang kondisyon, ang gusto mangyari ay Tatay ay iwan ko na muna si Coco rito kapag umalis kami ni Atlas at ang isasama ko naman ay si Roksie.

Hindi na namin kasama si Gracielle na bumisita dahil may pasok na 'to. Hindi nakapasok si Roksie kahapon kaya pasalit salit kami ni Cielle sa pagbabantay sakaniya sa garden. Hindi ako makapag paalam o nakakuha ng permit dahil hindi naman raw pumasok kahapon si Rare at Atarah.

Nakatitig lang ako sa television rito sa private room ni Tatay, nagpapangap na nonood pero ang totoo lutang ang isip ko at wala akong maitindihan sa daming umiikot na impormasyon sa utak ko. Panibagong araw na naman at nadagdagan ang mga problema ko.

Patay malisya akong napatingin ako kay Tatay at Nanay na ngayon ay walang bahid na problema ang mga mukha.Masayang nanonood si Tatay habang katabi niya si Coco samantalang si Nanay naman ay mahimbing na natutlog.

Napitlag ako sa kinauupuan ko nang may bumagsak na parang kaldero. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong si Roksie ang may gawa nun kaya agad ko 'tong nilapitan.

"Roksie." madiin kong saad saka kinuha siya at bumalik sa kainuupuan kong sofa. Napangiwi ako nang magising si Nanay, masama ang tingin pero hindi ako sinigawan sa unang pagkakataon.

"Pasensya na po Nay." mahinahon kong wika kaya pinaikutan lang niya ako ng mata. Sumulyap ako kay Tatay na sinenyasan ako na 'hayaan mo na' kaya napangiti nalang ako at tumango.

"Ang kulit kulit ng apo ko, manang mana ka sa Nanay mo no'ng bata. Gan'yan siya kaligalig." natatawa ko nalang na inabot sakaniya si Roksie at hinaplos haplos niya ito kaya mas idinikit ni Roksie ang katawan kay Tatay.

"Hindi kaya Tay, tahimik nga po ako, e." maloko akong nginitian ni Tatay habang hinahaplos haplos ang balahibo Roksie.

"Sus, malingat lang kami saglit nasa bahay ka na ng kapitbahay." nagtawanan kaming dalawa at nakisali pa si Coco kahit hindi niya naman naiintindihan ang pinaguusapan.

Sumulyap ako kay Nanay dahil hindi ko siya narinig na pagbawalan kami kahit na maingay. Nakita ko na naman tulala sa kawalan gawa siguro na kagigising niya lang. Pero alam kong may nagbago sakaniya simula nang dumating ang bakla kahapon dito sa kwartong 'to.

Kinompronta ko naman sila sa kung sino 'yung lumabas na bakla at bakit umiiyak si Nanay saka nakatutulala si Tatay na parang may malaking problema na hatid ang baklang 'yun.

Ang naging sagot ni Tatay ay matagal na silang nagtatago dahil mahigit kalahating milyon ang utang namin sa amo no'ng bakla at ang ikinatakot nila ay pinagbabantaan sila na ipakukulong o 'di naman kaya ipapahamak kami lalo pa't isang mayaman na tao ang kinautangan nila.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon