Chapter 29

10.5K 394 161
                                    


Paint Cenery

NAGUUNAT UNAT at napahikab ako habang palabas ng kwarto. Kinusuot ko pa ang mga mata ko nang maabutan ko ang mga kapatid ko na kumpleto ngayon sa sala namin.

"Wala kayong pasok?" gulat na saad ko at ibinaling ang tingin sa orasan.
Wala akong ideya kung bakit nandito pa sila samantalang alasyete na at miryerkules palang naman kaya dapat ay nasa eskwelahan na sila.

"Wala Ate kaka announce lang kanina na walang pasok, pumasok na sa PAR ang bagyo." kumunot ang noo ko dahil wala naman akong alam na may ganap na gan'to dahil siguro lutang ang isipan ko nitong mga araw at isa pa wala naman kaming TV at radyo na pagkuluhanan ng balita.

Lumabas ako para tignan ang kalangitan. Malungkot at maputla. Makulimlim nga, at mukhang may sakunang darating dahil sa mga oras na 'to himalang walang nag c-chismisan sa daan.

"Hindi ka kasi nanood ng news o kaya naman kahit magbasa lang ng dyaryo saka masyado ka kasing maraming iniisip kaya hindi mo na napapansin 'yung nangyayari sa mundo." makahulugan sambit ni Gracielle na busy sa pag iikat ng buhok ni Hannah.

Pinilit kong hulihin ang paningin niya para bigyan siya ng masama tingin pero hindi niya ako nilingon dahil busy ito sa kaniyang ginagawa.

Sumulyap ako kay Coco, Rhyka at Roksie na naglalaro laro bago nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. "Malakas daw ang bagyo Ate, lalo na sa Manila dadaan ang mata ng bagyo." rinig kong saad ni Ella kaya hinarap ko siya.

"Kaya suspended class n'yo no? Si Roi kaya may trabaho ba siya?"

Wala akong balak pumasok ngayon sa trabaho ko kay Roks. Bukod sa wala akong gana ay kailangan na mag stay ako ngayon sa bahay para bantayan ang mga kapatid ko.

Umiling naman si Gracielle. "Wala rin, nandyan siya sa bahay nila inaayos bubong nila at dingding baka liparin mamaya. Isusunod niya raw gawin 'tong bahay niyo katulong niya sina Hanz."

Naalala ko noong Bagyong Ondoy at sentro rin ng bagyo ang Manila. Bata pa ako no'n pero nakaka trauma ang pangyayari nang tumama ang bagyo na 'yun. Napakalakas at nakakatakot talaga. Lagpas tao ang baha na napakabilis ng ragasa, sobrang lakas ng hangin kaya nagsisiliparan ang mga bubong, dingding na de kahoy at kung ano ano pang parte ng bahay.

Maraming naapektuhan, hindi lang ang bahay ang lumubog pati na rin ang pangkabuhayan, maraming nalugi, maraming nasira at higit sa lahat maraming namatay.

Mapalad ang pamilya ko at walang nawala saamin pero naalala kong sugatan si Tatay at muntik na rin siyang mamatay dahil sinasabalba niya ang mga gamit namin at hindi nito magawang iwan ang bahay namin dahil napaka mahalaga nito sakaniya.

Pero sabi nga nila kapag nakatadhana na talagang mangyari ang isang bagay, wala ng magagawa. Nasira ang kalahati ng bahay namin no'n at halos lahat ng mga gamit namin ay inanod ng baha.

Sobrang lubog ang lugar namin no'n, wala pa akong alam sa nangyayari pero naalala ko na walang wala kami kaya nangutang sina Tatay ng pera para makaraos kami para maipagawa ang bahay namin na 'to ulit.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon