Chapter 19

11.2K 312 28
                                    

Paint Cenery

PINILIT na umupo ni Roks mula sa pagkahiga kaya agad akong kumawala sa yakap sakaniya para alalayan 'to ng ayos. Hindi ko inalis ang nagtutubig kong mga mata sa mata niyang mapungay pungay ang tingin saakin pabalik.

Napapikit ako nang mariin nang naramdaman ko ang banayad na haplos niya saaking labi pisnge dahilan para mapahagulgol ako lalo.
"Sorry po, 'di ko naman po nisasadya ih." napipiyok kong sambit.

Hindi ko na kinaya sobrang bigat ng aking dibdib kaya sumabog ako ng gan'to. Tama kasi si Nanay kasisi naman talaga ako sa nangyari kay Roks na nhayon sobrang lala na ng lagay.

"Hush, my Cenery." ginalaw niya ang kaniyang kanan kamay na walang masyadong injury para ilapit ako lalo sakaniya at mayakap.

Mas lalong kumirot ang puso ko sa paraan ng pagyakap niya ngayon
kasi parang wala lang sakaniya ang ginawa kong kasalan na naging dahilan bakit siya muntik mamatay.

" 'Di ko naman alam na gan'to ang mangyayari, sorry kasi nadikit ka sa isang malas na katulad ko kaya nagkagan'yan ka." hinagod niya ang likod ko ng ilang sandali bago niya binalik ang pagkahawak sa kaliwa kong pisnge.

"L-listen Cenery." napapaos na usal niya. Basang ko sa mga abong mata niya ang matinding pagkahina at paghihirap. Sobrang putla niya at masyadong matamlay ang kaniyang mga mata na dati ay masigla.

"Stop saying those word, you'll never be the worst luck of my life." mas lalong piniga ang puso ko dahil sa nilalaman ng sinabi niya pati na rin ang malambing na boses na 'to. Bakit siya gan'to? Hindi ko deserve ang gan'tong treament.

Umiling iling ako at nanginginig na hinaplos ang pisnge niya. "Hindi, ako ang may kasalanan sa lahat. Malas ako, alam ko. Hindi lang naman dahil sa nangyari ngayon kaya nasasabi kong malas ako. Maraming pangyayari sa nabibigo ako sa buhay ko na pinatunayan lang na malas ay wala talaga ako kwenta kaya hindi nakakapagtaka kung bakit gan'to nalang ang galit ko sa mundo. Hindi lang akobsa Diyos diyos-an n'yo galit pati na rin sa sarili ko kasi napakabobo ko, tanga at higit sa lahat malas kaya gan'to nangyayari sa buhay namin."
tahimik lang siyang nakikinig sa mga rant ko sa buhay pero ang mga mata niya ay may mga million salita na sinasabi.

"Alam mo ba sabi nila, nung wala pa raw ako sa mundo. May kaya ang magulang ako kahit papaano pero nang ipinanganak ako nagkanda malas malas daw, tignan mo naghihirap kami kaya napipilitan ako gumawa ng masama kung hindi mo naman ako tinulungan pagala gala ako para maghanap ng pagkakakitaan, legal man o ilegal para pangtustos sa sakit ni Tatay pati na rin sa pagaaral ng kapatid ko. Nabanggit ko na rin sa noon na ang malas malas ko sa mga trabahong legal kasi madalas hindi ako tinatanggap o kung tatanggapin naman ilang araw lang at mapapalayas na naman ako. Minsan gusto ko nalang simuko kasi pagod na pagod na akong mabigo." nanginginig kong wika at pinunasan ang mga mata ko gamit ang braso ko.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon