Chapter 15

12.3K 317 29
                                    

Paint Cenery

HUMINGA ako nang malalim saka lumayo sakaniya para maalis 'tong nararamdaman kong init. Sinundan niya ako ng tingin hanggang sa tumayo ako sa sofa para direktong tumama sa mukha ko 'yung hangin sa na nang gagaling sa aircon.

Nilingon ko si Roks na taimtim pa rin ang titig sakin habang hinahawakan niya ang gumagalaw na panga. "Alam mo, narealize kong hindi ka unggoy." nakapamewang kong saad sakaniya.

Pinagtaasan niya ako ng kilay saka nginisian siya. "Potakte ka! Isa kang manok! Tuka ng tuka. Ilang beses mo na ako chinansingan! 'Diba ang usapan natin wala munang tukuan hanggat 'di pa napaguusapan ang rules!"

Ewan ko ba sakaniya, sabi niya usap lang tapos sa huli halos magtungo na kami sa kabihasnan. Grabe siya, para siyang hayok na hayok na manok na hindi tumigil kakatuka.

"I'm sorry.." napakunot ako nang noo dahil madalas na katapos namin maghalikan lagi siynag nag s-sorry tapos 'yung mga mata niya namumungay lalo.

Huminga ako ng malalim at nilabas ang telepono ko mulsa bulsa ko.
"H'wag ka na mag sorry, pagusapan nalang natin ang rules para alam mo na ang limitasyon mo, naiintindihan mo ba?"

Halos matawa ako sa reaksyon niya kasi para siyang maamong tuta na tumatango. Oh mali, para siyang maamong manok sa totoong lang.

Tinignan ko ang notes sa CP ko para basahin ko sakaniya ang rules. Napalunok ako at tumingin sa mga mata niyang kulay abo na hindi inaalis ang tingin saakin.

"So may limang rules at kapag sinuway mo ay babayaran mo 'ko ng pera at gagawa ka pa ng dare pero syempre hindi lang 'yun ang tatamuin mo magugulpi pa kita." ewan ko ba kay Mamsh bakit naging gan'to ang consequence niya, expert talaga masyado sa pamemera sa mga lalaki.

"What if you're the one who disobey the rules." mababang boses na saad niya. Sa iglap nawala na 'yung maamo niyang mukha, napalitan na 'to ng isang mapanghamon na tingin.

"Awitize ka.Tanga ka ghorl o sadyang nagtatangatangahan ka? Malamang hindi ko lalabagin 'yung sarili kong ginawa no! Kaya nga ako gumawa para maprotektahan ako, stress mo 'ko!" napahilot ako sa sintido ko dahil nakakastress siya sa totoo lang.

"Lol, let's be real to ourselves. In the reality most people who make the rules they are the one who violate it. Kaya nga galit ka sa Gobyerno hindi ba?" nakangising saad nito kaya pakiramdam ko nag usok ang tenga ko.

"Medyo makapal ang mukha mo sa parteng inihalintulad mo 'ko sa mga walang kwentang 'yan, alam mo sa sarili mo na hindi lahat gano'n." ewan ko ba kung sinasadya n'ya akong badtripin o ano pero mukhang nagtatagumpay siya.

"But, If you obey all the rules you miss all the fun and you know that. Proven and tested by yours.." nagtiim ang bagang ko sa sinabi niya at sinamaan 'to ng tingin.

"Sundalo ka n'yan? Law lover ka n'yan?" maanghang kong sambit  kaya natawa siya dahilan para mawala ang galit ko sa katawan dahil sa simpleng paghalakhak nito.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon