Chapter 52

6.6K 218 93
                                    

Content Warning: This Chapter contains intense violence, nudity, strong words, blood and gore that traumatize and trigger some of the readers. You can skip the violence part or much better the entire chapter.

Paint Cenery

GUSTO ko siyang lapitan at tanungin kung 'bakit?' Bakit siya nandiyan? Bakit niya nagawang tumayo sa witness box na hindi naman lumalaban para saamin—sa kaibigan niya?

Hindi pa siya nagsasalita pero alam ko t-traydurin niya ako—kami ng kapatid ko.

Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ako nasasaktan para sa sarili ko. Wala naman akong pake kung makulong ako nang dahil sakaniya.

Pero kaibigan siya ng kapatid ko. Ano nalang magiging reaksyon ni Ella kapag nalaman niya? Hindi ko matanggap na mas pinili niya ang kabilang panig kaysa bigyan ng hustisya ang nangyari sa kaibigan niya.

" I'm not surprise anymore," bulong ni Attorney Jerry sa tabi ko.

"B-bakit?" tanong ko saka sumulyap muli kay Tricia na nakayuko lang at alam kong iniiwasan niyang magtama ang paningin namin.

"Nang pinuntahan namin siya. Hindi namin siya nakausap. The doctor said, she's traumatized. And we can't talk her. And I guess the doctor is right."

"Huh?"  traumatized ba 'yang gagang 'yan? Eh, may balak pa nga kami traydurin. Baka traumatized siya sa imagination niya. Ang mema!

Bumuntong hining ito. "Naunahan tayo ng kabila. I've heard na Lola niya lang ang naga-alaga sakaniya ngayon. Ano satingin mo ang gagawin ng kabilang kampo?"

Napayukom ang kamao ko. Kung tinakot man nga siya o binayaran ng kabila ay nakakahiya siya. Kahit pinoprotektahan niya lang ang sarili at ang Lola niya hindi naman tama na mas piliin niya na magbulag-bulagan.

Anong akala niya hindi siya h-habulin ng katotohanan?

Hindi maalis sa kaloob-looban ko ang ginawa niyang 'to. Kahit humingi pa siya ng tawad—o kung may dahilan man siya kaya niya nagawa 'to. Hindi-hindi ko siya mapapatawad.

Wala siyang kwentang kaibigan. Katulad lang nila Atarah, na iiwan kami sa ere kapag nagkagipitan na dahil ayaw nilang madamay.

Kakarmahin din kayo!

"Will the witness please stand to be sworn in by the bailiff," usal ng judge.

Bumibilis ang pahinga ko dahil pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko kasi gustong-gusto kong sumabog sa totoo lang.

Parang may kung anong bumubulong saakin na kaladkarin siya rito palapit saakin at basagin ang mukha niya.

"Pintura, umayos ka.." bulong ko sarili ko.

"To the witness. Please raise your right hand. Do you swear to tell the truth, the whole truth, and nothing but the truth?" ani Bailiff.

"I do," usal ni Tricia at hinanap ko ang mga mata niya hanggang sa wakas ay tuluyan ng nagtama ito.

Nakaramdam ako ng matinding muhi lalo na 'yung expresyon niya parang sinasabi na nanghihingi ito ng sorry at parang no choice raw siya.

Ngumisi lang ako sakaniya para ipakita na hindi ako naapektuhan.

Nanlaki ang mga mata niya na maluha-luha at iniwas ang tingin saakin na kala mo ay biglang natakot.

Kung ano mang rason niya sa kung bakit niya 'to nagawa. Hinding-hindi magbabago sa paningin ko na binigo niya ako lalo na ang kapatid ko.

Nakakahiya pa rin siya. Wala na siyang pinagkaiba sa mga p-nyetang buwaya na 'yan.

"Ayan, siya ang prosecution eye witnesses. First 'yung prosecutor muna ang kakausap para sa direct examination. Tapos mamaya magtatanong din si Attorney Jerry sakaniya for the cross examination." bulong ng katabi ko. Siya kasi 'yung junior ni Attorney Jerry.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon