Chapter 43

7.8K 194 60
                                    

Paint Cenery

MAAGA ako nagising dahil sa init na nararamdaman ko. Ang akala ko nga may lagnat ako dahil uminom ako kagabi pero akala lang pala dahil nagmumula 'yung init na 'yun kay Roks.

Hindi ko muna siya ginising at ginawa lahat ng routine ko. May uniform at mga underwear ako rito kasi nga kagaya ng sabi ko lagi naman ako nan dito sa bahay niya.

Nagpagawa at nagpahanda ako ng gamot at almusal sa kasambahay para kay Roks dahil wala na rin naman akong oras upang gawin lahat 'yun.

Hindi ako pwede mag absent dahil second day of school palang at isa pa sinabihan kami kahapon na huwag liliban dahil ngayon mag dedeisyon ng grouping para sa first perfomance task ngayon semester.

Nang matapos na 'ko sa lahat nang gagawin ko ay dapat aalis na ako pero naisip ko na kapag 'di ako nagpaalam ay baka mag away kami.

"Love.." mahina ko siyang tinapik sa braso.

"Hmm.." gumalaw siya at ikinulong ako sa bisig niya kaya naman napahiga rin ako.

"May pasok ako teka---" pinilit kong alisin ang nakayakap niyang braso saakin at nagtagumpay naman ako.

Dinilat niya ang mga mata niya na sobrang pungay pa. "Can I sleep more pa po? Five minutes," mahinang bulong niya.

Umupo ako sa kama at inayos ang gusot kong uniform. "Oo naman, huwag mo na akong ihatid. Pahinga ka nalang muna dito dahil may lagnat ka oh.." hinawakan ko ang noo niya at talaga namang mainit siya.

Hinawakan niya ang kamay ko at pumikit siya ulit. "Tatawagan ko nalang si Atarah," sambit ko.

Tatayo sana ako sa kama pero hinigpitan niya lang ang hawak sa kamay ko. "No, why will you call her? For what? Nandito ka naman?"  offended na turan nito.

Oo nga naman? Bakit ko s-storbohin si  Atarah. Eh, may trabaho 'yung tao. Hays, medyo makapal mukha ko sa parteng 'yun.

Bumuntong hininga ako at sinalubong ang tingin niya. "Eh may pasok ako. Hindi ako pwede umabsent. Second day palang ng klase at isa pa sinabihan kami kahapon na huwag lumiban dahil may gagawin yata kami mamaya."

Binitawan niya ang kamay ko saka pagod na naupo sa kama."I see, I'll take you---" agad kong pinutol ang sasabihin niya.

Lumapit ako sakaniya at niyakap niya naman ang bewang ko na para bang ayaw akong pakawalan. "Hindi na mag g-grab nalang ako. Nandito naman sina Manang patingin tingin nalang kita. Basta kainin mo 'yung pinahanda kong almusal bago ka uminom ng gamot ha?"

"I love you.." mahinang sambit niya.

"Love you too, sige na oras na ma-lalate na ako." inaalis ko na ang kamay niya sa bewang ko pero mas lalong humigpit 'yun.

Napabuntong hininga muli ako at hinawakan ang mukha niya. " May klase ako. Malalate na ako. Mamaya nalang ok? I love you. Text nalang kita agad."

Kinagat niya ang labi niya at binitawan ako. Mabilis kong hinalikan ang labi niya saka kinuha ang bag. "Alis na ako, pagaling ka," huling saad ko bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.

"Manang, ikaw na po muna bahala kay Roks, ha." bilin ko sa kasambahay bago tuluyang lumabas dahil naghihintay na roon ang pinabook kong grab.

Agad kong kinuha ang phone ko nang makasakay ako sa sasakyan.

To Roks:
Pagaling ka ha, uuwi rin ako agad. Love you so much!

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon