Chapter 16

11.1K 314 39
                                    

Paint's POV

TULALA lang ako sa pababang si Roks mula sa sakyan niya, para ngang slow motion ang pag galaw niya at talagang umaalingasaw ang kabanguhan niya isama mo pa na ang mas gwapo siya sa suot niya ngayon.

Napatingin ako sa suot kong pans at fitted red t-shirt saka flat shoes. Kapag talaga sumama ako sakaniya hindi mapagkakailang katulong ako.

Naramdaman kong may sumiko saakin at nakumpirma kong si Gracielle 'yun. "Tulo na laway mo.." mahina niyang bulong jaya inirapan ko lang siya at binaling ang tingin kay Roks na nakatitog na saakin ngayon.

"What's up dudes?" saad ni Roi at nakipag apir kay Roks. Napataas ang kilay ko dahil talagang level up na tawag nitong si Roi kay Bato. Aba, dati kami lang ang tinatawag na dudes ngayon pati si Captain na.

"Fine dude, Goodmorning." mababang boses na sambit ni Roks saamin pero nasaakin lang nakatuon ang tingin niya kaya hilaw nalabg akong napangiti.

"Alam mo dudes, ingatan mo 'yang si Pintura. Patikim mo muna sakaniya  ang sarili niyang luto bago mo kainin mahilig kasi manlason 'to. Mahirap na 'di ba? Mabuti na 'yun nagiingat." natatawang wika ni Roi kaya sinipa ko ang paa niya pero hindi niya ininda ang sakit at tumawa pa ng tumawa.

"Nako Captain, h'wag kang maniwala d'yan kay Roi. Inggitera lang 'yan, alam mo bang si Paint pinaka masarap magluto. Wifey material ang Bff ko. Pwedeng pwede na nga mag asawa 'yan ngayon eh kaya ano pa ang hinihintay n'yo sunggab na bago mahuli ang lahat.." kinurot ko naman sa tagiliran 'tong si Gracielle ang akala ko pagtatangol talaga ako pero binubugaw lang pala.

"Alam n'yo eto kayo oh mga ogag." tinaas ko ang middle finger ko na agad namang pinalo ni Cielle at pinanlakihan ako ng mata.

"Hehehe, mabait 'tong si Paint sadyang may sakit lang sa daliri. Masyado magaslaw kaya kung ano ano natataas pero hindi talaga mahilig mag 'f u' 'to. Bait na bata 'tong BFF ko."napatingin ako ka Roks nanakangisi at mahinang tumawa.

"I know.." malokong saad nito.

"Tse! Tara na nga, h'wag mo ng pansinin ang mga 'yan. Bye na mga epal." walang ano ano ay nauna na akong sumakay sa kotse ni Roks na animo ako may ari.

"Enjoy Captain! Magiingat kayo." masiglang paalam ni Gracielle kay Roks nag makasakay kami. Binaling ko naman ang tingin ko kay Roi na tinanguan lang si Roks at biglang naging blanko ang expresyon.

Nagkibit balikat nalang ako at sinuot ang seatbelt ko. "Where's your sibling?" tanong ni Captain nang makapasok na rin siya sa driver seat.

"Natutulog pa eh, medyo pagod sa kahapon." sagot ko saka pretendeng sumandal sa upuan.

"How about our son?" aangal pa sana ako sa naging tawag niya kay Roksie pero nawalan na ako ng lakas makipag away dahil bigla akong inaantok sa gawa ng aircon.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon