Chapter 24

9.7K 299 41
                                    

Paint Cenery

ANG bilis ng paghinga ko habang tulala ako sa kawalan dahil hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Anak ng shooting star, nagkatotoo ang sinabi ni Nurse Jacques na susunod kong ma m-meet ang pamilya ni Roks.

Sa totoo lang, ok lang naman na makilala ko ang mga pamilya ni Roks kahit pa na nakakatakot raw ang mga 'to ang kaso sa maayos naman sanang paraan.

Potakte, simula kay Sizer, Ate Paper at sa Mommy niya laging ang panget lang nang paraan at timing ng mga unang pagkikita  namin. Sa totoo lang, wala namang akong pake sa mga iniisip ng ibang tao saakin ma pa-panget man o papuri ang kaso iba 'yung sa pamilya nina Roks.

Alam ko namang kagalang galang sila kaya ayokong isipin nila na malandi at kaladkarin akong babae kasi hindi naman totoo sadyang mali lang ang nakikita nila. Gusto kong linisin ang pangalan ko, anak ng shooting star na potakte ni pagbenta ng katawan sa kung sino sino kahit hirap na hirap na ang buhay namin 'di ko ginawa at 'di dumako sa isipan ko.

"Cenery." nagtiim ang bagang ko at galit na tinignan si Roks habang nakayakap ako sa sarili ko na nababalutan ng kumot.

"H'wag mo 'ko hawakan baka mabugbog kita kahit nandito pa 'yang pamilya mo!" galit na sigaw ko sakaniya habang nanalilisik ang mga mata kong nakatingin rito.

Sh-t, bakit umabot kami sa gan'to? Wala talaga akong naalala, naguguluhan ako sa totoong nangyari saamin. Sabi nila kahit lasing ka naalala mo ang mga pinaggawa mong kagaguhan kahit paano pero bakit ako wala akong naalala na may nangyari saamin.

At eto pa ang nakakapag taka base sa mga nababasa kong nobela kada nakikipag talik ang babae sa lalaki matic na may mapupunit lalo na kung birhen pa. 'Yung tipong paggising daw ay hirap na makalakad dahil sa sobrang hapdi ng pagkababae.

Lahat nang 'yan ay hindi ko nararamdaman. Sadyang mabigat lang ng sobra ang ulo ko at medyo nilalamig dahil ang lakas ng aircon tapos naka bra at panty lang ako samantalang siya nakaboxer na talagang nakakagulat at nakakapanghinala. Bakit kami nakahubad kung walang nangyari saamin? Bakit naka under wear nalang kami?

Anak ng shooting star, hindi kaya pinagpantasyahan niya ako? Gentleman nga pala 'kuno' 'tong si Roks at makikipag talik lang siya sa mahal niyang mapapangasawa kaya siguro hinubaran niya nalang ako para may mapapanood siya habang nagsasarili?

Awit,  bakit ba gan'to naiisip ko. P-nyeta naman kasi bakit kami umabot sa puntong gan'to. Nauunawaan ko pa kung mahuhuli kaming naghahalikan pero 'yung magkasama sa kama at halos hubot hubad na ay isang malaking kalokohan.

"Listen first, let me explain." mahinahon na saad nito habang ang expresyon niya ay parang ang amo among nakatingin saakin.

Napakagat ako saaking labi at kinuha ang unan at binato sa kaniya.
"Talagang mag e-explain kang p-nyeta ka! Bakit mo 'to ginawa, ha?  Bakit?" galit na galit kong wika kulang nalang mabugbog ko na 'tong manok na 'to. Potakte.

Agad niya namang hinarang ang braso niya para hindi siya matamaan. "It's just a misunderstanding. We didn't do any sexual intercourse." puno ng sinseridad na usal nito.

Wala naman akong naramdaman na kahit ano sa katawan, kagaya nang mga nararamdaman ng mga babaeng pagkatapos makipagtalik kaya posibleng wala nga pero hindi ko pa rin maiwasan mag isip ng kung ano ano.

"Bakit ako nakahubad ng gan'to?! Bakit ka nakaboxer? Bakit nandito ako sa kwarto mo? Bakit tayo magkatabi? Siguraduhin mong maayos explenasyon mo Roks." nilalamig na talaga ako kaya lalong sumasakit ang ulo ko. Gusto ko ngang bumalik muli sa pagtulog kaso hindi pwede. Kailagan maayos ang guspt na nangyayari saamin ngayon.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon