Chapter 60

13.5K 542 223
                                    


Paint Cenery

KINUHA ko ang susi ng sasakyan ko at madaling nagtungo sa pintuan pero bago pa ako tuluyan makalabas ay biglang may nagsalita. And I realize na si Bite 'yun na nasa living area lang pala. He's reading something while sipping a cup of coffee.

"Where are you going?" malalim na boses na tanong niya.

Napaiwas ako ng tingin. "Ha? I will eat outside. I'm craving for something kasi, e."

"You can't go outside without me. How many times do I need to tell you that?"

Napabuga ako sa hangin. Simula nang malaman naming buntis ako last week ay mas lalo siyang humigpit saakin.

Para siyang Nanay ko na maraming paalala sa pwede or hindi na gagawin at kakainin ko. He's always protective since then. Naging triple lang ngayon.

"Eh naiirita ako sa mukha mo! Please lang layuan mo na ako! Huwag ako ang guluhin mo!"

Sa isang iglap ay nagulat nalang ako dahil nasa harap ko na nga siya at nakacross arm pa. "Oh c'mon, you'll just investigate Galvez case. I know you well, Cat."

Well he's right. I'm still investigating it. Hindi kasi ako mapakali kapag wala akong ginagawa. Mas lalo akong nag iisip ng kung ano-ano na mag lead sa curiosity at mababaliw ako kapag wala akong ginawang aksyon. Baka ikapahamak pa 'yun ng anak ko.

"Kung sinabi mo kasi kung sino 'yung killer edi sana alam ko at tapos na," nakabusangot kong sambit.

Nagtiim ang bagang niya "Ang kulit mo, Ilang beses ko na bang sinabi na hindi ko alam because we dropped his case 2 months ago. So there's no reason for me to find the culprit."

"Eh ako may rason! Because that's the reason why me and my team was suspended," giit ko.

Umigting ang panga niya at dumilim ang mga paninitig niya. "Aren't you scared to lost your child?"

Parang biglang may pumitik saakin na nagpabalik saakin sa reyalidad.

Wait buntis nga pala ako?

"Kapag napahamak ka, hindi lang ikaw. Kayong dalawa. Kayo ng anak mo. Iniisip mo ba 'yon?" matigas na tagalog niyang sambit.

Napahawak ako sa tyan ko. "Am I really pregnant?"

I'm still in shock. Lagi kong nakakalimutan na buntis ako o ano. Hindi pa rin nag s-sink in saakin na buntis na nga talaga ako. It feels surreal dahil nga ang alam ko ay never akong magkaanak.

"We visited your OB last week and still you're doubting? Ano tingin mo sa bata? Gawa-gawa lang ng imahinasyon mo?" hindi makapaniwalang usal niya.

"Paano ba kasi mangyayari 'yun..." girl huwag kang tanga, nakipag sex ka sa EX mo.

Halo-halo ang emosyon ko nang malaman ko ang tungkol sa pagbubuntis ko. Natatakot ako, masaya, hindi mapakapaniwala, malungkot at iba pa.

Natatakot ako na hindi sapat ang kakayahan ko para mapunan ang pangangailangan ng magiging anak ko. Hindi ako ready. Dahil hindi ko naman talaga ineexpect na dadating sa puntong ito.

Masaya dahil hindi talaga sumagi sa isip ko na magkakaanak ako. Pero once in a lifetime, naisip ko talaga mag kaanak at magkaroon ng sariling pamilya noon pa man pero dahil sa kahirapan ng buhay ko noon at nasa mga kapatid ko lang umiikot ang mundo ko ay hindi na sumagi sa isipan ko na maging totoo 'yun lalo pa nang malaman ko rin ang balita na hindi na talaga ako magkakaanak dahil may problema ako sa matres ko.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon