Chaptet 35

10.1K 391 214
                                    

Paint Cenery

NAPANGISI ako nang biglang lumamig na naman ang tingin ni Roks saakin at pagkatapos ay siya pa mismo ang humila ng tuluyan kay Derin paalis sa kinatatayuan nila na iisa lang ang ibig sabihin, nagtagumpay akong insultuhin siya.

"Bagay sila, no? Parehong weirdo. Ano kayang problema ng dalawang 'yun. LQ? Baka biglang magsabong sa harap natin mamaya 'yun ha," iritado kong sambit habang patuloy na hinihimas ang paa kong medyo masakit pa rin talaga.

"Don't mind them, do you feel better now?" mababang boses na tanong ni Atlas.

Napakunot ang noo ko dahil sa ipinakita niyang expresyon na kung saan masyadong seryoso. Affected na naman ba siya sa presensya ni Derin o sadyang nabadtrip lang siya kay Roks?

"Oo konti pero pwede naman siguro ilakad na. Tara na nga, Atat masyado 'yang Bato na 'yan siguro excited lang umuwi para makapag labing labing sila ng fiance niya. Mukhang si Derin lang naman kasi ang may gusto sa dinner na 'to," iritado kong saad.

Akmang tatayo ako pero pinigilan niya ako. "Let's just go home, look at yourself magiging paika ika ka. Your injury will be stress, mag c-cause 'yan ng swelling."

"Mawawala rin 'to oh tignan mo nagagalaw ko naman ng ayos." pinakita ko pa sakaniyang nagagalaw ko pero sa loob loob ko umaaray na ako sa sobrang sakit. "Saka hi-hindi pa ba tayo, e. G na g na 'yung lalaking 'yun oh. Pagbigyan na natin 'yang EX mo. Minsan nalang naman, e." 'di ko alam ang patutungunahan ng hapunan na 'to, alam kong hindi magandang mangyayari pero gustong gusto ko pa rin ipush.

"Ok let's go, Can I hold your hand so that you have a support?" inilahad niya pa ang kamay niya saakin kaya napangiti ako saka agad akong napailing.

"Pasmado ako, 'di ka ba nandidiri? Kanina pa namamawis kamay ko."

"Never." natigilan ako nang bigla kong maalala ang mga alala namin ni Roks noon, lol. Kahit sobrang basa ng kamay ko dahil sa pawis ay talaga namang hinahawakan niya pa rin kahit magputik putik na rin 'yung kamay niya. Napakagat ako saaking labi nang marealize ko na bakit ko ba iniisip 'yung sinungaling at ghoster na 'yun.

Napabuntong hininga nalang ako at hindi na ako nag inarte pa at hinayaan nalang siyang alalayan ako.
Lumabas na kami ng officer na 'yun kinausap saglit ni Atlas 'yung babaeng staff bago kami tuluyan nagtungo palapit kina Roks at Derin na seryoso ngayon na naguusap.

"Derin, Tara na! Saan ba tayo?" sabay silang napatangin saamin. Agad na umaliwas ang mukha ni Derin habang si Roks naman ay lalong lumikot ang expresyon habang nakatingin sa nakapalupot na braso ni Atlas saakin.

"What happened to you?" nagaalalang wika ni Derin.

"Natapilok ako kanina, tara na.."

"You should go h-----." napakunot noo ako nang biglang takpan ni Derin ang bibig ni Roks. " Hehe, sunod nalang kayo saamin." sagot niya saka niya ito hinila palabas ng store.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon