Chapter 8

14.8K 408 63
                                    

Paint Cenery

PANGATLONG araw na naming pinaghahanap si Coco pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming nakikita kahit hibla ng buhok niya.

Tatlong araw na rin ako madalas puyat, hindi kumakain at inuumaga na kung umuwi kaya galit na galit saakin si Gracielle at Roi kasi nga masyado ko ng pinababayaan ang ibang kapatid ko pati na rin ang sarili ko.

Sino ba naman ang makakapag pahinga ng ayos at makakain kung walang aksiguraduhan kung nasa mabuting lagay ang kapatid ko lalo na pa naman Autistic siya.

Ni hindi pa rin ako bumibisita sa hoslital dahil wala akong mukhang ihaharap sa magulang ko. Si Ella lang madalas ang pumupunta kina Tatay para balitaan, syempre pahirapan na naman sa sitwasyon ni Tatay. Gusto niya talagang tumulong na hanapin si Coco mabuti nalang at napapakalma siya ng mga doctor doon.

"Tita Grace, nasaan po si Gracielle?" tanong ko nang pumasok ako sa bahay nina Cielle dahil simula kanina ko pa siya hindi nakikita.

"Naliligo eh, kagagaling lang police station para icheck kung ano ng lagay ng paghahanap nila kay Coco Pasensya ka na hija kung  hindi ako makatulong sa paghahanap alam mo namang nirarayuma ako pero h'wag kang mag alala pinagdadasal ko naman siya." nanuyot ang lalamunan ko dahil sa sinabi ni Tita tungkol sa pagpunta ni Gracielle sa police station para itanong kung anong lagay ng paghahanap kay Coco? Nakipagtulungan siya sa pulis at talagang itinago niya pa saakin.

"Ok lang po 'yun pakisabi nalang punta siya sa bahay may paguusapan lang po." bumibilis ang paghihinga ko dahil nagpipigil ako ng matinding galit na nararamdaman ko dahil sinuway niya ang kagustuhan ko na h'wag humingi ng tulong sa mga pulis.

"Sige hija." lumabas na ako ng bahay nila at nagtungo papunta saamin na hindi kalayuan. Nagtiim ang bagang ko at yumuyukom ang kamao ko sa sobrang inis.

"Ate kumain ka na ba? Pinapa xerox ko na kay Hanz 'yang mga piture ni Kuya Coco." bungad saakin ni Ella na ngayon ay hindi pumasok sa school.

Bumuntong hininga ako at pinagsuklay ang kamay ko sa buhok ko. "Busog ako, nakapasok na ba sa eskwelahan sina Hannah at Rhyka?"malamig kong usal kaya nabigla siya sa naging tono ko at kita ko pa ang matinding takot sa mga mata niya.

"Nahatid ko na kanina Ate." tumango nalang ako saka umupo sa monoblock at tumunga nalang mg inumin dahil nagiinit ang pakiramdam ko sa sobrnag galit kay Gracielle.

"Dudes may malaking problema." napatingin naman ako sa biglang pumasok na si Roi na pa may pakamot kamot sa batok.


"Oh ano?" malamig ko ring turan at nakita ko rin sa mga mata niya ang matinding pagkagulat pero hindi niya pinahalata 'yun.

"Hindi na raw makakasama sina Batoy, Joel, Joey at Noli dahil may raket daw eh tapos 'yang sina Sam at Danice may mga lakad kasama mga sugar daddy nila. Si Mamsh naman nirayuma na." natatawang sambit niya pa sa huli dahil sa 'rayuma'

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon