Chapter 51

7.9K 211 98
                                    

Paint Cenery

LITONG-LITO ako sa nangyayari. Hindi makapagsalita hanggang sa makarating kami sa hospital. Na b-blanko ang utak ko. Hindi ko alam ang kung ano dapat gawin.

Kasalukuyang ginagamot ang mga sugat ko ngunit ang isa kong kamay ay nakaposas sa hospital bed na animo tatakas talaga ako. Nasa labas din ang mga police na nagbabantay saakin.

Ni hindi ako makapag salita kanina nang hulihin ako. Wala akong naiintindihan sa sinabi nila bukod tangi ang paratang nila na may pinatay akong tao. Hindi ko madepensahan ang sarili ko dahil kahit ako hindi ko rin alam kung talaga bang inosente ako.

Wala akong naalala bukod sa nawalan ako ng malay hanggang sa nagising ako. Paano ko mapapatunayan na wala akong kasalanan kung ako mismo hindi alam kung ginawa ko ba talaga 'yun o hindi?

Ngunit may sakit ako. Baliw ako at hindi malabong hindi ako gagawa ng gano'n. Alam ko sa sarili kong maari kong magawa 'yun dahil noong nasa SPA kami halos mapatay ko ang tao roon. At sa pangyayari na 'yun ko rin nalaman na may sakit ako.

Sa pagkakaalala ko sociopath ba o psychopathic? Schizophrenia? Ay basta sa tatlong 'to umiikot ang sinasabi saakin noon ng doctor ko.

Ilang beses akong nawala sa sarili. At kapag sinu-sumpong ako ng sakit ko madalas nakakalimutan ko ang ginawa ko kaya satingin ko malaki ang chances na ginawa ko nga ang mga bagay na 'yun.

Possibleng nawala na naman ako sa sarili at nag pa kontrol sa mga boses na nasa utak ko. At kung gano'n man ay dapat lang akong makulong. Susuko na ako agad at hindi na mag sisinungaling dahil ginusto ko 'to. e. Gustong-gusto ko talaga patayin si Hendery pagkatapos ng ginawa niya sa kapatid ko.

Kaya hindi talaga malabo—ang kaso lang pakiramdam ko ay may mali, e. Naramdaman ko na may kung anong tumusok saakin nang mawalan ako nang malay. 'Yun lang ang naalala ko at pinaghahawakan ko rin na ebidensya ay na nawalan din ng malay si Tricia kaya sure akong may tumusok saamin na kung ano at nawalan kami ng malay.

Hindi naman siya pwedeng mawalan na malay ng dahil saakin? Ni hindi ko siya sinaktab o ano. Wala rin akong napansin sakaniyang galos kaso possible kayang nagulat lang siya sa ginawa ko kaya nawalan siya ng malay?

'Di ba? May mga na sosobrahan sa gulat kaya 'yun nawawalan sila ng malay. Pero kung gano'n nga. Bakit pati ako nawalan ng malay?

"Anak!" napatingin ako sa pintuan nang iluwa nito si Tatay kasama si Cielle and Roi Gin.

Agad na lumapit saakin si Tatay para yakapin at sumunod naman sakaniya ang dalawa. Napadaing ako ng bahagya dahil natamaan pa nila ang sugat ko.

" Dahan-dahan lang po sariwa po kasi ang sugat medyo masakit," ani ng nurse bago tuluyang lumabas.

" Pintura.." naiiyak na tawag ni Cielle.

Nakatingin ako kay Roi Gin na kunot ang noo pero kita ko naman sa mga mata niya ang matinding pag a-alala.

"Hindi ba kayo natatakot na lumapit saakin? Saakin na mamatay tao? Hindi niyo ba ako pinandidirihan?"

Pinanood ko ang expresyon nila na nagkatinginan pa. "Huwag mong sabihin 'yan! Hindi mo sila pinatay!" sigaw ni Cielle na umiiyak.

"Naniniwala ako sa'yo, anak. Alam kong hindi mo magagawang pumatay ng tao." napansin ko na rin ang maluha-luhang mga mata ni Tatay.

Napakagat ako saaking labi at umiwas ng tingin. Nararamdaman ko na ang nagbabadyang luha mula saaking mata. "Paano nga kung ako ang pumatay sakaniya?"

"Hindi totoo 'yan! Inosente ka, anak. Sabihin mo pakiusap ano nangyari? Ano ba talaga?"

Bumuntong hininga ako at sinikap na maging matapang ang boses ko . "Anong sasabihin ko, tay? Kahit ako hindi ko alam kung pinatay ko ba talaga si Hendery o hindi. Wala akong maalala kaya huwag na po kayong umasa na makakalabas pa ako sa kulungan tutal ako mismo hindi ko alam kung inosente ako."

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon