Chapter 9

15.1K 408 88
                                    

Paint Cenery

IDINILAT ko ang kaliwang mata ko upang silipin ang reaksyon niya dahil natahimik siya. Napalunok pa ako nang makita kong walang reaksyon ang kaniyang mukha habang nakatingin ng diretso saakin kaya napakagat ako saaking labi at tuluyan ng binuksan ang mga mata ko at dumako ito kay Coco na patakbong may nilapitan kaya sumunod ang paningin ko at namataan ko ang kasambahay na tulala lang saakin habang nakakanga pa.

Binalot ako ng matinding kahihiyan dahil bukod sa bakakahiya kay Roks at nakakahiya rin sa kasambahay kaya wala na akong nagawa kung hindi sumigaw ng, "IT'S A PRANK HAHAHA." tumawa ako ng pagkalakas lakas para maipakita kong nag b-biro lang ako habang tumitingin sa kasambahay na hawak pa ang cake.

Potakte, 'Yan Paint Cenery, ipinaiiral mo pa 'yang kapokpokan mo tapos ngayon titiklop ka?

Binalik ko ang tingin ko kay Roks na hindi pa rin inaalis ang tingin niya saakin kaya pinilit kog ngumisa saka hinarap ang kasamabahay na palapit pero tulala pa rin. "Ate, ano na prank ka? Greatest prankster po kasi ako HAHAHAHA," tumalon talon ako at pumalakpak kaya ginaya ako ni Coco na nakikitawa at palakpak din.

"Ah biro lang ba, muntik na nga ako maniwala eh paano ba naman kasi medyo malakas ang boses mo kaya kahit papunta pa lang ako narinig konagulat ako hehehe, kayo sir na prank din?" tumawa ng awkward ang kasambahay habang inilalapag sa lamesa ang cake.

Napalunok ako bago binalik ang tingin kay Roks na hindi na ngayon nakatingin saakin pero kitang kita ko kung paano niya ipinagalaw ang panga niya. "Nah."

Kinagat ko ang labi ko habang nakatingin sa perpekto niyang mukha. "Sus, 'di raw tignan mo naman mukha niya luging lugi HAHAHA 'di ba Ate ?" ang plastic ng tawa ko pero nagawa ko naman na gawing totoo.

"Parang hindi naman po." napabusangot ako dahil nalugi ako doon kasi nga mas kinampihan ng kasambahay si Roks.

"Traydor ka Ate ha, takot ka sa amo mong 'to eh ako talaga ang amo mo.  Alalay ko lang 'to eh HAHAHA." Hala seryoso Paint? Siya slave mo? Eh 'diba nga gusto ka niyang maging kiss slave tapos pumayag ka lang kanina. Anak ng shooting star naman, bakit kasi biglang lumbas ang pinakatatago kong kapokpokan?

Siguro kung nandito lang si Mamsh Jorgie sobrang proud niya sa ginwa kong pagbabalandra kahit saglit lang ang kapokpokan ko, solidize lang."Iwan mo napo kami Manang lucia, magmiryenda nalang din po kayo." mahinahon pero malalim na boses n saad ni Roks. Bumaba ang tingin ko sa bumabalandra niyang abs, infairness ha hindi talaga gano'n ka OA 'yung hulma ng abs niya. Inshort hindi nakaka umay.

Hindi na ako nilingon pa ni Roks, umupo siya sa harap ko na katabi nang upuan ni Coco. Pinanghiwa niya si Coco ng cake at inilagay 'to sa kaniyang plato. "Kaya niya kumain magisa Captain Bato, h'wag mo ng subuan." ako nalang subuan mo, pagpapatuloy ko isip ko kaya napailing iling ako dahilan para pagkunotan niya ako ng noo.

"I will not feed him, sinasandukan ko lang. Can you see?" napaawang ang labi ko nang makita ko ang salubong niyang kilay at marinig ang malamig niyang tono.

Bakit ang sama na naman ng timpla nito? Dissapointed ba siya kasi niprank ko siya? Gusto n'ya ba talaga ako maging kiss slave? Crush niya na ba ako O hayok lang talaga 'to sa halik?

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon