Chapter 2

20.9K 443 58
                                    

Paint Cenery

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Paint Cenery

NAKATITIG ako sa teleponong de keypad na ipinahiram saakin ni Gracielle dahil hinihintay ko ang tawag nang mga pinag applyan kong trabaho. Nasa labas ako ng bahay para may signal.

"May boyfriend ka na ba anak?" napatingin ako kay Tatay Dionisio na ngayon ay nakatayo sa pintuan. Dati sobrang kisig ng tatay ko at healthy ng katawan niya pero nang mag ka sakit 'to sa baga ay unti unti ng bumagsak ang timbang at nagiba na ang itsura niya. Nakuha niya ata ang sakit niya sa pinagt-trabauhan niyang pabrika ng goma.

Isang beses palang namin siyang napatingin sa hospital 4years ago pa ata."Grabe ka Tay, judger ka na rin ha. Porket ba nakatingin lang sa telepono naghihintay na ng text ng boyfriend."nakanguso kong saad sakaniya kaya nginitian lang ako ni Tatay.

"Ano ba kasing problema mo at nakatitig ka riyan sa teleponong 'yan kay Gracielle 'yan hindi ba?" binigyan ako ng malokong ngiti ni Tatay. Ang gwapo gwapo ng tatay ko lalo pa't kapag nakangiti.

Sa totoo lang, hindi alam ni Tatay na gumagawa ako ng ilegal na gawain katulad ng pagnanakaw. Pinaka laki niya kami ng maayos at hindi dapat gumawa ng masama pero nagsimula lang naman akong gawin 'to noong matapos ako magsenior high at magkasakit siya dahil sa kakapusan namin ng pera.

Simula nang magkasakit 'to hindi na siya lumabas ng bahay kaya hindi niya rin alam ang mga nangyayari sa labas. Ang alam niya lang talaga matino ang trabaho ko pero si Nanay matic na naalam niya dahil tambay sa labas 'yun pero hindi niya naman ako sinuaumbong kay Tatay dahil nakikinabang siya sa pera na nakukuha ko.

"Ah opo hiniram ko muna hinihintay kolang po ang call ng mga pinag apply-an ko ng trabaho ih.." ngumiti ako ng matamis kay Tatay dahilan para lumungkot ang mukha niya.

"Pasensya na anak---." pinutol ko ang sasabihin niya saka lumapit kay Tatay at niyakap 'to ng mahigpit.

"Tay, ayan ka na naman. Ayoko ng gan'yan. H'wag kang magpasorry please lang hindi mo naman ginusto na magkasakit ng gan'yan at h'wag na h'wag mong sisihin ang sarili dahil lang sa pinapasan ko ang lahat ng obligasyon mo. Alam mo at alam ko kung anong ginawa mo para saamin. Nagtrabaho ka ng lubusan at pinagsilbihan kami kaya ayan nakuha mo pa 'yang sakit mo." pumikit ako ng mariin at pikiramdaman ang mainit na yakap ni Tatay. "Hayaan mo 'kong magsilbi para sa'yo Tay. Susuklian ko ang mga hirap n'yo saakin." malambing kong usal sakaniya habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon