Walang Iba

1K 19 6
                                    


Ito ay gawa-gawa lang ng isang LNRS stan, hindi totoo ok?

Balik fluff para di tayo ma jail eme.
______________________________________

Nasa Isang state banquet sina Leni at Risa, magka hiwalay sila ng table dahil na rin sa protocol.

Napansin ng ilan sa Tropang Angat at ni VP Kiko ang nakaw na sulyap nila sa isa't isa.

Alam nila ang relasyon ng dalawa at suportado nila ito, kadalasan isinasama sila sa mga pakulo ng dalawang nagmamahalan.

Nakikinig ng maigi si Leni sa kausap nitong PM ng Canada na si Mr. Trudeau, ang hindi niya alam naka tingin pala si Risa sa kanila at bilang selosang girlfriend parang gusto niyang mang away kahit hindi naman dapat.

"Ris, kanina pa umuusok ang ilong mo. They're just talking oh." Saad ni Sen Leila, "Maintain your poise, mahahalata ka."

"Hay nako, ate ano pa bang magagawa ko. Trabaho niya yan eh, hindi ako pwedeng gumawa ng eksena dito." Ika ni Risa.

Isang matangkad na lalaki ang lumapit sa table nina Sen Risa, kasama ni PM Trudeau sa delegation.

"Hi, Miss.. I'm Adam Le Blanc, you must be Senator Risa Hontiveros, right?"

"Yes, hi! I'm Risa Hontiveros, nice to meet you!" Nakipag shake hands siya kay Adam, pero hinalikan nito ang likod ng palad niya.

"Ahhm.. O-ok.. Thank you!" Awkward na binawi ni Risa ang kamay niya.

"You're so pretty, why don't you dance with me?" Pag imbita nito.

"Thank you, but i'm not interested." Tanggi ni Risa, kung gusto man niyang sumayaw.. Isa lang ang taong gusto niya, si Leni 'yon.

"C'mon!" Pinuwersa ni Adam si Risa, mahigpit ang pagkakahawak ng kamay niya sa Senadora.

"Madam, look!" Itinuro ni VP Kiko kay Leni ang komosyon.

Napako si Leni sa kinauupuan niya ng makita ang kasintahan niya sa ganoong sitwasyon, gusto man niyang tumakbo at saklolohan si Risa pero baka makahalata ang mga tao.

"Bahala na!" Sambit niya.

Agad na tumayo si Leni sa upuan at nagpunta sa table nina Sen Risa, hinawakan niya ang braso ng banyaga.

"Excuse me Sir, get your hands off to the honorable senator!" Aniya, pero hindi nagpatinag ang lalaki.

"Who are you to say that, little woman?!? Go fuck yourself!"

Nakanganga lahat ng nakarinig sa insultong iyon sa PRESIDENTE NG PILIPINAS! (Little woman daw, Leni payag ka non? Charot!)

Nakangiti lang si Leni pero sa loob niya, talagang gusto na niyang kalbuhin ang lalaki na mas matangkad sa kanya.

Bigla niya itong hinawakan sa braso at itinapon sa sahig, nagulat ang lahat maski si Risa.

"Boom bading, deserve!" Bulong ni Chel, natawa naman si Alex sa kanya.

Napa ngiwi naman sa sakit ang banyaga at agad nilapitan ng mga PSG para i-escort palabas ng palasyo.

"Madam President, my sincerest apologies for my aid's behavior.. I hope it wouldn't affect our relationship as partners!" Ika ni PM Trudeau.

"Oh, that's ok.. I don't like men treating us women as trash. I hope he learn his lesson." Ngiting sambit ni Leni.

~~~~~~~~

"Pangga, thank you sa pagtatanggol sa akin ha. Nako, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka." Ika ni Risa habang nagpapatuyo ng buhok, naupo siya sa tabi ni Leni na ngayon ay nagbabasa ng libro.

Inilapit ni Leni ang mukha ni Risa sa kanya para dampian ng halik ang mga labi nito.

"Basta para sa'yo, Mahal ko."

"Saan mo pala natutunan 'yon?"

"Sa YouTube, galing no?"

"Sige nga, ibalibag mo rin ako.."

"Mahal sasakit ang likod ko pag ginawa ko 'yon hahaha!"

"Ayan nakoooo pag ako nag request, ayaw." Nakabusangot na sambit ni Risa, niyakap naman siya ni Leni.

"Huwag ka na magtampo, remember mas matanda ako ng isang taon sa'yo."

Natawa lang si Risa, bumitaw siya sa pagkakayakap at tumitig sa mga mata ni Leni.

"I love you, Leni."

"I love you too, Risa. Walang iba."

END

LenRisa: One shot AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon