I won't tell a soul - Part 3

556 21 13
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tiningnan ni Lia ng masama ang mga guy friends niyang sina Sonny, Alex at Chel

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tiningnan ni Lia ng masama ang mga guy friends niyang sina Sonny, Alex at Chel.

Kasalukuyan silang nag iinuman sa bahay ni Sonny dahil weekend naman, hindi pa nagpaparamdam si Teddy sa kanila since busy din ito.

"Ikaw ha, sinabi naman namin sa'yo noong una pa lang.. Bawal na 'yang ginagawa ninyo, ano bata? Hindi nakikinig?" sermon ni Chel,

"Mga kaibigan ko ba talaga kayo?"

"Concern lang kami sa'yo Lia, ang hirap ng sitwasyon nyo oh!" segunda ni Alex.

"Lia, pwede ba kitang tampalin, isa lang!" Sonny

[tinampal ni Sonny si Lia]

"Araay, ang bigat ng kamay mo, gago!" napahawak sa pisngi si Lia,

"Pinapaalala ko lang, kasi baka natutulog ka pa. Gising-gising din!" natatawang sambit ni Sonny.

Lia's POV

Tinungga ko ang bote ng red horse na binili ni Trilly sa labas, masyadong masakit sa akin yung eksena kanina paglabas ni Reese sa office. Bukod sa nakalimutan niya ako i-update, nakita ko pa sila ng jowa niya.

Ang saklap pala ng sitwasyon ko, nagmamahal ako ng iba eh may nagmamahal naman sa akin. Hindi ko naman sinasadya na mahulog sa kanya, napailing na lang ako ng maisip ko ang mga posibleng mangyari sa amin.

"Uy, si Brian oh!"

Napatingin ako sa gate ng makita ko ang boyfriend ko, nakangiti siya. Pinapasok siya ni Sonny, lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"Kumusta, nagkakasiyahan pala kayo.."

"Nag catch up lang, Pare.." sabi ni Alex, nerbiyoso siyang ngumiti kay Brian.

Naupo siya sa tabi ko at hinawakan ang baywang ko, inihilig ko naman ang ulo ko sa balikat niya.

"Ayaan, kagaling.. Dito pa nag PDA!" asik ni Chel,

"May dalaw ka ba, bakit galit na galit ka?" sabi ko,

Inismiran naman ako ng loko, inabutan ni Sonny ng isang bote si Brian.

LenRisa: One shot AUWhere stories live. Discover now