Aswang 2 ( Horror AU )

312 16 1
                                    

Leonie

Nagising ako sa kalaliman ng gabi ng tawagin ako ni Tatay, kailangan ko raw sumama dahil may tutugisin kaming alagad ng dilim.

Agad naman akong naghanda at isinuot sa baywang ko ang bolo na ibinigay ni Tatay sa akin noon matapos kong makuha ang mutya. Mula ng napasaakin ang anting-anting na iyon ay nakakita at nakasalamuha ko na ang nilalang na hindi nakikita ng karaniwang tao.

Naging takbuhan kami ng mga tao na nakaranas ng kahila-hilakbot na pangyayari.

Paglabas ko ng bahay ay sumakay na ako sa tricycle at pinaandar iyon ni Tatay, nagpunta kami kina Grace, buntis siya at tanging sila lang ng Nanay niya ang nandoon.

Nakarinig kami ng pagaspas ng mga pakpak, nagpalinga-linga kami ni Tatay, inihanda ko ang bolo at binuhusan iyon ng holy water na ibinigay ni Father Dominic, dinasalan ko iyon.

Nakita ni Tatay ang aswang sa bubong at nakatingin sa amin ng masama, lumipad ito pasugod sa amin.. Iwinasiwas ko ang bolo at nasugatan siya sa dibdib ngunit hindi niya iyon ininda. Mas lalo lang siyang nagalit at bumwelo ulit, dala pala ni Tatay ang buntot-pagi na siya naman pinatama sa aswang na siyang dahilan para bumagsak ito.

Namukhaan ko ang nilalang na iyon, "Hindi ito si Mang Serafin, Tay.. si Bernard!" sambit ko,

"Huh, ibig sabihin naipasa na niya ang bertud?" takang tanong ng aking ama, maski ako hindi ko rin alam.

Naghukay na kami ng paglilibingan ni Bernard, kawawang binata. Nagtulos kami ng krus na kahoy at nagdasal ng taimtim para sa katahimikan ng kanyang kaluluwa.

Nagpasalamat si Grace sa amin, nagpaalam na kami sa kanila at umuwi na.

Hinayaan na ako ni Tatay na matulog dahil hapo na ang katawan ko.

Ngunit pag akyat ko sa silid ko ay nakita ko si Mang Serafin—ang inaakala kong namatay na.

"Hindi ako nandito para patayin ka, alam ko namang hindi kita magagalaw sa dami ng pumoprotekta sa'yo." aniya,

"Napatay ninyo ang anak ko, si Bernard.. Pero hindi siya ang huling aswang na makikita ninyo dito." ngumiti siya ng nakakaloko, "Dahil sa nangyaring ito, humanda kayo mag ama." pagbabanta niya at nagbago ng anyo bilang ibon at lumipad papalabas ng bintana.

Napaupo ako sa kama at kinabahan ako, si Tatay.. At marami pang madadamay.

Nag krus ang landas namin ni Therese sa pamilihan, kasama nito ang kanyang Mama.

"O kumusta, ilang araw tayong hindi nagkita ah!" bati sa akin ni Therese, napangiti lang ako sa kanya.

"Ayos naman, busy lang sa nga bagay-bagay." sagot ko, nagprisinta ako na buhatin ang bayong, nahiya siya sa akin ngunit wala naman siyang magawa.

Nagpunta na sila sa sakayan, ipinasok ko sa tricycle ang bayong, lalayo na sana ako pero hinila ni Therese ang kamay ko. "Tara na, mag tanghalian ka sa amin."

Napakamot ako ng sentido, bakit kapag si Therese wala akong magawa?

Sumama na lang ako, dahil kinukulit talaga niya ako.

Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na kami sa kanila, pumasok kami sa bakuran at magkasama naming binuhat ang bayong. Idineretso namin iyon sa kusina at isa-isang inilabas ang mga laman nito.

"Pwede mo ba akong kwentuhan?" aniya habang inilalapag ang sibuyas at bawang na nasa supot.

"H-ha? Anong klase naman, comedy?" tanong ko,

"Hindi, yung nga karanasan mo sa mga aswang.." aniya, napatingin ako sa kaniya. Ngayon lang ako nakita ng interesado sa ganoong bagay.

"Masyadong malawak yung gusto mong malaman, hindi lang kasi dito sa atin namamahay ang mga nilalang na iyon. Minsan dumadayo pa kami ni Tatay para tumulong. Pero bibigyan lang kita ng ilang impormasyon." sambit ko,

Habang nagtatalop kami ng mga sangkap sa lulutuin ng kanyang Mama, naikwento ko sa kanya kung paano ko nakuha ang mutya at ang una kong engkwentro sa isang tikbalang na ngayo'y kaibigan ko na. Namangha siya sa mga sinabi ko, interesado siya sa mga naranasan ko.

"May isa akong tanong—paano kung umibig ka, anong mangyari?" aniya, tiningnan ko siya, seryoso nga ito sa tanong.

"Hindi naman mababawasan ang bisa ng mutya, mas madadagdagan pa nga dahil may tao kang pahahalagahan at poprotektahan." ngiti kong sambit, nakita kong nag kumislap ang mga mata niya.

Nagulat ako ng bigla niya akong halikan, nakadilat pa ang mga mata ko ng maramdaman ko ang pag galaw ng kanyang mga labi.

Humiwalay siya sa akin, kita sa mukha niya ang hiya at tumango siya.

"Sorry kung—aaargh, kainis!" sambit niya, napangiti lang ako.

"Wala 'yon, hehe.. Pero, ang sarap ha!" napatingin siya sa akin,

Inulit niya ang paghalik, napapikit ako dahil sa sensasyon na nararamdaman ko.

"Leonie, mahal kita." sambit niya,

"Hindi ka ba nabibilisan, mahal mo na agad ako? Baka dahil lang sa iniligtas ka namin ni Ta—" hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng lumalim ang halik na iyon.

"Hindi ako nagbibiro, Leonie.. Hindi ko maitago ang nararamdaman ko sa'yo, mahal talaga kita!"

Nakarinig kami ng yabag at agad kaming umayos at ginawa ulit ang naudlot na pagtatalop, dumating ang Papa niya para kumuha ng tubig.

"Kinukulit ka ba ni Therese, Leonie?"

"Ah, hindi naman po.. Nag kukwentuhan po kami."

Napangiti lang sa amin ang lalaki at agad namang umalis, alam kaya niya?

Nananghalian na ako kasama ang pamilya ni Therese, masaya silang lahat na nandito ako. Pinuri pa nga ako ng mga magulang niya dahil tumulong ako kay Tatay. Napangiti lang ako sa kanila at itinuloy ang pagkain.

"Leonie, anak.. Sana hindi kalabisan ang tanong ko—nasaan nga pala ang Nanay mo?" tanong ni ginang Navarro sa akin.

"Namatay po siya sa isang insidente, noong bata pa ako. Pero ipinamana naman niya sa akin ang kaalaman bilang albularyo." tipid kong sagot.

Hindi ko magawang ikuwento kung paano nawalan ng buhay ang aking Nanay sa kamay ni Mang Serafin, oo noong kalakasan pa niya ay naka engkwentro niya si Nanay habang tinatahak namin ang daan pauwi.

Kitang-kita ko kung gaano niya hinila sa dibdib ni Nanay ang kanyang puso, huli na ng dumating si Tatay, nakita niya akong nakatulala habang nakahiga sa hita ko ang ulo ni Nanay.

Bumalik ang ulirat ko ng niyugyog ako ni Therese, napatingin ako sa kanya.

"Ok ka lang?"

"Uh.. Oo, nag space out lang."

Matapos akong kumain ay ihinatid ako ni Therese sa gate nila at nagpaalam na ako.

"Mag iingat ka, mamahalin pa kita!" bulong ni Therese sabay halik sa pisngi ko, napangiti lang ako sa kanya at pinisil ang pisngi niya.

Tumingin ako sa likod kung may nakatitig sa amin, bago ko siya nakawan ng halik sa labi. Nagulat man ay napangiti siya sa akin, kumaway ako sa kanya at nagpunta na sa brgy hall para sunduin si Tatay.

LenRisa: One shot AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon