𝑴𝒖𝒍𝒊 𝑽

460 14 5
                                    

Kung inaakala nila Leni at Risa ay magiging masaya sila, hindi iyon mangyayari.

Nasa isang party sila at ipinakilala na ni Risa sa kanyang mga business partners si Leni bilang kasintahan niya. Naging maayos naman ang pagtanggap ng mga ito sa kanila, ngunit naroon din sa nasabing pagtitipon si Migz.

Sukdulan ang galit nito sa magkasintahan, isang karumaldumal na plano ang gusto niyang gawin..

Matapos ang party ay isa-isa na lumabas ang mga panauhin, naka hapit sa bewang ni Risa si Leni habang naglalakad sila.. Isang itim na van ang tumambad sa kanila at pilit na hinatak ang magkasintahan.

Pilit silang piniringan at binusalan ng bibig, pareho silang nagpupumiglas kaya pinagbantaan silang papatayin.

Sa isang masukal na lugar sila dinala ng van, huminto ito at pinalabas silang dalawa.

Pagka tanggal ng piring, nakita ng magkasintahan si Migz na may hawak na baril.

"Migz, nakikiusap ako.. Huwag mo na idamay si Risa dito, kung galit ka sa akin, ako na lang ang gantihan mo!" aniya,

"Bakit naman ikaw lang, tutal dalawa naman kayo.. Alam mo, maglaro na lang tayo, bibigyan ko kayo ng pagkakataon na makaligtas—iyan ay kung mangyayari 'yon!" naka ngiting sambit ni Migz.

"T-tama na please, pwede naman natin pag usapan ito—"

"Isa..."

"RISA TARA NA!" hinila ni Leni si Risa, kumaripas na sila sa pagtakbo sa mga talahib.

Ilang segundo pa, sumunod na si Migz sa kanila. tumingin sila sa kaliwang bahagi ng talahiban at nakita ang mga yapak ng magkasintahan.

Hinawi niya ang mga damo, ngunit wala siyang nadatnan.

Nakalabas sina Leni at Risa, nagmamadali silang sumakay sa nakaparadang kotse isang putok ng baril ang umalingawngaw.

"LENI!!!!" sigaw ni Risa ng makita niyang tinamaan si Leni sa likod at wala itong malay. Ngunit hindi rin iyon nagtagal at isa na namang putok ng baril ang narinig.


Isang linggo ang nakalipas...

"Leni, nandito na ako..."

"Oh, kumusta? Eto naman hindi nagpasabi na darating.. Namiss kita!"

"Ako rin naman, teka.. Masakit pa ba yung sugat mo?"

"Ok naman na, don't worry."

Nagyakap silang dalawa, hatalang namiss ang isa't-isa dahil hindi na naman matigil sa paghahalikan.

"Si Migz, nakita na siya ng mga pulis.. Pero—"

"Bakit anong nangyari?" agad na tanong ni Leni kay Risa,

"Nanlaban siya sa mga pulis.. Wala na siya." aniya, sandali silang natahimik.

"Kapalaran na siguro niya iyon, wala na tayong magagawa. Ipinagpapasalamat ko na nabigyan tayo ng pangalawang buhay para magsimula ulit." ika ni Leni, kinuha niya ang isang kahon na maliit at binuksan iyon, isang singsing.

"Risa, sa pagkakataon na ito, gusto kitang tanungin—Will you marry me?" lumuhod si Leni, nakatitig diya kay Risa.

Hindi mapigilan ni Risa maging emosyonal sa pagkakataon na iyon, "Oo, pakakasalan kita!" sambit niya, agad na yinapos ito ni Leni.

"Mahal na mahal kita, mahal na mahal!"

"At Mahal na mahal din kita!"

Isinuot ni Leni kay Risa ang singsing at maharan itong hinalikan, wala na siyang mahihiling pa.. Makakasama na niya sa habangbuhay ang kanyang sinisinta.

- END -

LenRisa: One shot AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon