I won't tell a soul - Part 7

586 27 27
                                    

A few weeks after

"Reese.. Love.. Gising ka please?"

"Bakit.. It's 3:20 AM! Lia, bakit ka nambubulabog?"

"Mag McDo tayo, please? Gusto ko ng Spaghetti.."

"Ughhhh... Mag order ka na lang, ayan ang phone oh!"

"Hindi, gusto ko magpunta sa store! Sige na please??? Reese, mahal mo naman ako di ba?"

"Lia Frances Cruz, jusko ano bang nangyayari sa'yo??"

"Hindi mo ako love! Bahala ka dyan, ako na lang magda-drive!"

"Anak ng.. Hoooy, hintayin mo ako!"

Napabalikwas ng bangon si Reese sa kama, ganito ang eksena nila ni Lia sa umaga.

Labag sa loob ni Reese na nagigising ng ganoon ka aga, for Lia gagawin niya.

"Love.. Galit ka ba?"

"Hindi ako galit, naiirita ako. Lia naman kasi, nagtataka na ako sa'yo.. Naglilihi ka ba??"

"Ha, naglilihi?"

"Bago tayo umuwi, bumili tayo ng PT kit sa convenient store para sure! "

Nakabili na nga ng spaghetti sina Reese at Lia, pero dahil gutom na si Reese bumili na rin siya ng sa kanya.

"Love, pengeng chicken ha? Love you!"

Napailing na lang si Reese habang kinukurot ni Lia ang manok.

Dumaan nga sila sa convenient store para sa PT kit, nagmadali na silang umuwi.

Pag park ni Reese sa sasakyan, sakto namang nandoon na si Brian at nagluluto na ito ng almusal.

"Daaaaddyyyyyyy!!!!!" yumakap si Lia kay Brian,

"Saan kayo nagpunta?"

"Nagpabili ng spaghetti sa McDo ang ferson.. Haay.." hinalungkat naman ni Reese ang paperbag at nakitang kalat na lang ang nandoon.

"Gutom kasi ako, Dad.."

"Halata nga, inubos mo pati yung akin eh!" inirapan ni Reese si Lia.

"Sorry po, ibili na lang kita mamaya..
Teka, ano ba yung niluluto mo, bakit ang baho?" tanong ni Lia kay Brian,

"Nababahuan ka sa sinangag, ewan ko sa'yo may amats ka ata." sagot ni Brian,

"Lia, gamitin mo na muna yung PT kit na binili natin.. Sige na."

Kinuha ni Lia ang kit at nagpunta sa banyo, lumapit naman si Brian kay Reese.

"Sa palagay mo, buntis si Lia?"

"Hirap magsabi, pero feeling ko.. Ano ba, kayo ang gumawa eh.. You should know!"

"Sabi niya sa akin, fertile siya noon..
Eh baka nga! Mygahd, pero kailangan pa rin natin i-confirm sa OB."

Naputol ang usapan nina Brian at Reese ng lumabas si Lia sa banyo, naiiyak ito.

"Guys.. POSITIVE!"

Lumapit silang dalawa kay Lia at nag group hug sila.

"We should schedule a meeting with an OB-GYN, i'll contact Dr. Del Mundo for an appointment ha."

Nag nod lang sina Lia at Reese, hinawakan ni Brian ang mga kamay nila.

"Girls, magtulungan tayo.."

"For the Mommy and the baby."

"Pwede ba tayong magpunta sa McDo ulit?"

Brian break the news from his parents who lived abroad, tuwang-tuwa ang mga ito knowing their only son fulfill his duty.

"Kailan nyo balak magpakasal ni Lia, anak?" his Mom asks,

"Uhmm.. About that, i didn't pop out the question to her." sagot niya,

he was sure about their friendship and affection nilang dalawa pero ayaw naman niyang pilitin si Lia.

"You gotta be swift, anak! Paano kung mapurnada pa, malaki ang mawawala sa atin!" his Dad says,

"Dad, hindi business ang pag conceive ng anak. You had me before, but it doesn't mean na gagayahin ko ang ginawa ninyo.

Alam nyo namang magkaibigan kami ni Lia, bonus na lang na minahal namin ang isa't isa.
I would do everything in my power to protect her and my child." Brian firmly said to him.

"Ok, ok.. Hindi ka namin papakialaman ng Mommy mo. Just make sure that your child would be healthy." he said.

Brian dropped the call, he's frustrated about his parents and what they think of Lia and their unborn child.

He dialed Reese's number,

"Reese, free ka today?"

"Bakit, may problema ba? "

"Usap tayo about kay Lia, i'll send you the deets."

Reese went to a café near Brian's office, she saw him at the end table waiting for her.

"Hi!" he greeted her and kissed her cheek,

"Anong meron, urgent ba 'to?" tanong agad ni Reese, naupo silang dalawa sa mga silya.

"Uhm.. Kasi, ibinalita ko na sa parents ko ang pagbubuntis ni Lia.. Tinanong din nila ako kung kailan ko ba siya balak pakasalan." Brian says,

Reese can't help but frown knowing that Lia would say yes to him.

"Bakit mo naman pinapaalam sa akin ito, di ba dapat pinaghahandaan mo na yung proposal? "

"Ayoko siyang pilitin, we could share custody naman sa bata without us being dragged into marriage. Gusto ko masaya si Lia, gusto ko ikaw.. Para sa kanya."

"Brian teka, paano ang magulang mo? Yung company? Yung reputation mo? "

"Aanhin ko naman ang lahat ng meron ako ngayon kung hindi ako genuinely happy?

Reese, sinasabi ko 'to sa'yo kasi nakita ko kung gaano ka kamahal ni Lia. I saw you two, having an argument.. Tapos hinalikan ka niya. My heart is shattered into pieces, i realized that she's better off without me." Brian silently shed tears, he loves Lia kaya willing siya magparaya.

"Bri, you don't have to do it naman eh.
Kaya ko maghintay-"

"It's now or never, Reese! Take her somewhere, or abroad basta lumayo kayo!"

"Brian.." Reese hugged him, "Thank you."

"You're welcome, i'll talk to her later.
Ako na bahala sa lahat, alagaan mo siya for me ha."

LenRisa: One shot AUWhere stories live. Discover now