Aswang 4 ( Horror AU )

278 16 1
                                    

Fiesta na sa bayan ng San Isidro, lahat ay abala sa kani-kanilang handa. May mga nag renta na ng videoke para makapagsimula na rin uminom. Nagpalaro na ang mga kabataan sa brgy hall na binantayan ng ilang tanod para na rin sa kaayusan ng lahat.

Ganun din ang mga aswang, may ilan sa kanila ay dayo at nag anyong tao para makihalubilo sa mga taga nayon.

"Pare, halika dito.. Uminom ka muna!" pag aaya ng isang lalaki, sumama naman ang inaya niya sa garahe na bukas at may grupo na nag iinuman.

Ang hindi niya alam, aswang iyon.

Naupo ito sa bakanteng upuan at inalok ng makakain, kaswal naman itong nakisama sa kanila.

Ngunit noong nag aya na tumoma ang isang binata, bakas sa mukha ng nilalang ang kasabikan upang makapaghasik ng lagim.

Noong itinapat na ng isang lalaki ang chaser at rhum ay agad naman itong ininom. Ngunit, lihim itong dinuraan ng aswang.

Nagpaalam na ito sa mga manginginom na may malaking ngiti sa labi, matagumpay siya sa pagpasa ng sumpa. Maya-maya'y naglaho siya na parang bula.

Hapon na ng makauwi si Leonie sa bahay niya, kasama niya si Therese na may bitbit na handa mula sa kapitbahay. Hindi na nakapag abala ang Kapitana dahil marami ang nangyari ngayong araw.

"Mahal, saan galing 'yan?" tanong ni Leonie, kasalukuyan kasing inilalagay sa pinggan ni Therese ang sisig na paborito niya.

"Mahal, itapon mo 'yan!"

"Ha, bakit itatapon?"

Walang anu-ano'y itinapon ni Leonie ang pinggan, isinara niya ang pinto at ni-lock iyon.

"Bakit mo itinapon, Mahal? Saya-"

"May laway ng aswang 'yon, at kung kinain mo iyon magiging katulad ka nila, gusto mo ba 'yon?!?" asik niya,

Nagulat si Therese sa pagtaas ng boses ni Leonie sa kanya, ngayon lang niya ito nakitang magalit ng ganoon.

"P-pasensya na.. Hindi na mauulit, Leonie." agad siyang nagpunta sa silid nito at isinara ang pinto, susunod sana si Leonie ngunit may kung anong kumalabog sa pinto.

Hawak niya ang buntot-pagi at dahan-dahan sumilip sa siwang ng pinto, isang malaking nilalang na kilala niya..

"Kaibigan, ako ito.. Si Bochok!" tawag nito, nakilala naman ito ni Leonie.

"Pasensya na.. Akala ko mga alagad ni Mang Serafin. Anong atin?" aniya,

"Gusto kong magbigay ng babala sa'yo, nagpaparami sila at balak nilang patayin ka. Heto, bibigyan kita ng iba pang sangkap para mapalakas pa ang mga gamit mo para sugpuin sila." ibinigay ni Bochok ang supot at tinanggap naman ito ni Leonie.

"Salamat ng marami, kaibigan. Pinahahalagahan ko ang mga ito."

Nagpaalam ang tikbalang sa kanya, isinara niyang muli ang pinto. Iniayos muna niya ang mga laman ng supot bago magpunta sa silid.

"Mahal, pasensya ka na sa akin.. Hindi ko sinasadyang pagtaasan ka ng boses." pag amo ni Leonie sa nakahigang kasintahan, hinalik-halikan niya ang leeg nito at marahang iniharap sa kanya.

Tinitigan niya ang maamong mukha nito, napangiti si Therese sa kanya at hinila siya para halikan.

Naputol ang mainit na sandali ng may kumatok na naman sa pinto, sumigaw ito ng malakas, "KAPITANA, NARIYAN KA BA?"

Agad naman lumabas si Leonie, sumunod sa kanya si Therese at kinuha ang bolo. Dahan-dahan naman itong binuksan ni Leonie at nakita ang isa sa mga tanod, si Elmer.

"Kapitana.. May aswang sa bahay ng mga Concepcion, inaatake sila!" aniya, ibinigay ni Therese sa kanya ang bolo at buntot-pagi.

"Dito ka lang, babalik ako!" nagmamadali na si Leonie at sumama sa tanod, agad namang isinara ni Therese ang pinto at ni-lock.

Nagpunta sa bahay ng pamilya Concepcion ang kapitana, nakita nga nila ang isang mabalahibong nilalang ang nag aamok sa garahe.

"ITIGIL MO 'YAN!" sigaw ni Leonie, napatingin ito sa kanya, walang anu-ano'y sumugod ito at tatangkain nitong kagatin siya ngunit inundayan niya ito taga!

Napuruhan niya ito at namimilipit sa sakit, nagbago ito ng anyo.. Siya yung binatang aksidenteng nakainom ng dura ng aswang ng hindi niya alam. Nagmamakaawa ito na huwag siyang patayin dahil meron siyang pamilya.

"Kapitana, huwag po! Maawa kayo sa akin, yung misis ko kapapanganak lang! H-hindi ko alam na magiging ganito ako, hindi ko alam!" aniya,

"Pero kung hahayaan naman kitang mabuhay, hindi mo lang mailalagay sa panganib ang pamilya mo, pati ang mga tao sa bayang ito!" ika ni Leonie, "Isipin mo ang anak mo, hindi ka pa nakakain ng tao.. Paano kung ang pamilya mo ang unang biktima?" dagdag niya,

"Kapitana, mahal na mahal ko ang asawa't anak ko.. Kaya—" nagbago ang anyo ng lalaki at naging malaking ibon at lumipad, nagpunta ito sa isang bahay ilang kanto ang layo mula sa kung saan siya unang nakita.

Isang babae ang humiyaw habang inaatake siya ng aswang, huli na si Leonie.. Unang biktima ng aswang ang kanyang asawa, pagkanirig ng uha ng sanggol nagmamadali ang nilalang na magpunta sa silid ngunit nagkalatay na siya sa buntot-pagi. Unundayan niya ito ng saksak, nagpunta ang mga pulis ngunit huli na sila.

Hindi na humihinga ang babae, malaki ang kagat na natamo niya galing sa kanyang asawa. Namatay itong ipinagtanggol ang sanggol, na ngayo'y pinatatahan ni Leonie.

Pagbukas ng pinto, nagulat si Therese na may bitbit na sanggol si Leonie at agad naman niya itong pinapasok.

"Kaninong anak ito, Mahal?" takang tanong ni Therese habang tinitigan ang sanggol,

"Yung nirespondehan kong nag aamok, aswang iyon at ang biktima niya ay ang mismong asawa niya — nauilila nila itong munting anghel." lahad ni Leonie, "Maliligo muna ako.. Bumili na rin ako ng milk formula, itimpla mo na lang kapag umiyak."

Kumuha ng bagong damit at panloob si Leonie at nagpunta sa banyo para maligo, tinitigan naman ni Therese ang bata na mahimbing na natutulog.

LenRisa: One shot AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon