Ang lihim ng bahay na bato ( Horror AU )

301 17 2
                                    

Turista mula sa Maynila si Rio kasama ang mga kaibigan, nasa Ilocos sila para mag tour sa Vigan.

Isa sa pinuntahan nila ay ang Querubin ancestral house, isa sa mga bahay na bato na itinayo noon pang panahon ng kastila.

Habang naglalahad ng mga pangyayari sa bahay ang tour guide ay panay ang sipat ni Rio sa paligid. Maayos at talagang iningatan ang bahay, ang sabi nga ng mga taga Vigan, isa sa pinaka makapangyarihang pamilya ang mga Querubin.

Pamilya sila na Spanish Meztizo, dahil si Alicia Querubin ay isang Filipino-Spanish at ang napangasawa niya na si Don Fernando Enrique Querubin y Yraztroza ay Portuguese-Spanish na isang Duque sa Spain.

Napatitig si Rio sa family portrait sa malaking sala, mukha naman masaya ang mag asawa sa larawan kasama ng lima nilang mga anak.

Ngunit.. Isang eksena ang pumasok sa isipan ni Rio.

Isang lalaking may hawak na baril, babaeng nakahandusay.. Maraming dugo sa sahig. Mga batang umiiyak.

" Tulungan mo ako!" 

Isang boses ang narinig ni Rio, lumingon pa siya sa likuran niya upang hanapin kung sino ang nagsalita.. Ngunit pagharap niya.. Isang babaeng naka baro't saya, may tama sa dibdib at sentido. Lumuluha ito ng dugo at sinigawan siya!

Nagising na lang si Rio na pawis na pawis, naging mabigat ang pakiramdam niya mula ng makita niya ang larawan ng pamilya na iyon.

"Rio, ano bang nangyari sa'yo?" kinakabahang sambit ni Lea sa kanya, niyakap niya ang kaibigan.

"M-may b-babae s-sa bahay na duguan!" aniya, nanginginig ang mga kamay niya itinakip sa kanyang mukha.

"Wala na tayo doon, nandito na tayo sa clinic.. Huwag mo na isipin 'yon!" pagpapakalma ni Lea.

Tiningnan ni Rio ang paligid, at tama nga ang kaibigan niya.. Nasa clinic nga sila.

"Naku, Hija.. Pang sampu ka nang dinala rito for the same reason, pagod ba kayo sa byahe?" tanong ng Doktor, umiling naman si Rio bilang sagot.

"Dok, nakapag pahinga naman kami a day before kaya imposible naman 'yon." ika ni Lea,

Nagpunta naman ang isang tindera ng kakanin at narinig ang usapan nila, tiningnan niya ang dalagang nanginginig na nakaupo sa maliit na kama.

"Nagpakita si Doña Alicia sa'yo, ineng?"

Hindi masyadong namukhaan ni Rio ang babae dahil sa takot, talagang nakaririmarim ang hitsura nito.

"Hindi po ako sigurado, Manang.."

"Ayos lang, anak.. Ang mabuti ninyong gawin bago umuwi ay dumaan muna sa simbahan para mapawi ang takot at pangamba ninyo sa hindi matahimik na kaluluwa ni Doña Alicia." payo nito, lumapit pa ang matanda kay Rio at may ibinulong habang nakalapat ang kamay nito sa noo ng dalaga, parang enkantasyon.

"Ano pong ginawa ninyo?" nakasimangot na tanong ni Lea sa matanda, natawa lang ito sa kanya.

"Nako, proteksyon iyon laban sa masasamang elemento.. Huwag kang mag alala, paano mauna na ako sa inyo.."  paalam nito sa kanila, nagtataka lang si Lea na hindi man lang ito sinasaway ng doktor.

"Ay, si Manang Selina maalam sa mga ganito, kaya nga noong nalaman niyang nagpakita sa iyo si Doña Alicia, agad siyang pumunta dito." ika ng doktor,

Nagpaalam na sina Lea at Rio sa doktor at nagpasalamat sa tulong.

Gaya nga ng sinabi ng matanda, dumaan sina Lea at Rio sa simbahan para magdasal at magtirik na rin ng kandila para sa kaluluwang nakita ng huli.

Pag upo ng dalawa sa mahabang upuan, may babaeng nakaupo naman sa harap ng altar na naka belo ng itim. Hindi iyon nakikita ni Lea ngunit si Rio, alam niya kung sino iyon.

LenRisa: One shot AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon