Babalik parin sa'yo 3

663 28 14
                                    

Leni

It felt surreal when i saw Risa last night, grabe natanggal lahat ng pangamba ko ng tingnan niya ako. Part of me saying na hindi ko muna siya dapat pinatawad dahil masakit pa, pero nanaig pa rin yung kagustuhan kong makapiling siya kahit sandali.

At yung nangyari kagabi between us, the way she touches me. I admit, namiss ko iyon. Namiss ko siya.

"Lens, lika na, punta na daw sa reception." she whispered to me,

"Huuy, nakakahiya na.. Babalik na ako sa room ko, doon na ako kakain." sabi ko, nakakahiya naman kasi talaga.

"What if sumama ako?" ngumiti siya ng nakakaloko sa akin, "Well, i want to eat you—este, the launch pala!"

Napalo ko ng slight ang braso niya sa kapilyahan niya, naalala ko lang yung agreement namin.. Siguro ipapaalala ko na lang sa kanya mamaya.

30 mins after, nagpaalam na ako sa newlyweds at kina Pia, nilakihan ako ng mata ni Risa kasi gusto talaga niyang sumama sa akin. Nauna na ako maglakad, Risa kasi mapilit na isama pa ako sa reception kanina.. Wala, napasubo.

"Pssst!" narinig kong tawag na iyon, tumingin pa nga ako sa paligid kung may iba pang tao, lumapit sa akin si Risa at umangkla sa braso ko.

"Eto naman, hindi makapag hintay, sabi nang sasama ako eh!" nagpapa-cute siya sa akin, haay.

30 mins din ang paglalakad namin sa hotel na provided sa akin ng sponsor, mas pinili ko na yung regular room para makatipid. Sulitin ko na rin siguro habang nandito si Risa.

Pagkadating namin sa kwarto ko, isinara iyon ni Risa at ni-lock. Kaswal lang naman akong nag aayos ng mga kubyertos sa lalagyan ng bigla niya akong yakapin, hindi ko naman maitatanggi na hindi ko namiss iyon.

"Hmm.. May nakalimutan ka na ba?"

"Ha, anu yon?"

"No touch kapag nagkita tayo.. Remember?"

Natawa siya, eh paano siya naman itong naunang sumira ng agreement namin. Pasaway talaga!

"Eh sorry, hindi ko matiis.. Baka kasi mawala ka pa." humarap ako sa kanya at yumakap ng mahigpit, napakinggan ko ang tibok ng puso niya.

"Paano mo natiis i-date si Robin, huh?" tanong ko, sabay tingin sa mga mata. niya.

"Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko, pero.. Alam mo, may mga nalaman akong intel about certain issues na kaya kong gamitin sa mga commitee hearings."

"Huh?" nagtaka ako sa sinabi niya, intel?

"Isa ito sa mga dahilan kung bakit ko tinanggihan ang alok mong kasal, i'm close to solve the biggest drug trade in the country!" bulong niya sa akin, well ang alam ko, nag investigate sila about sa Pharmally pero hindi isinama yung mga talagang nakinabang sa scandal.

Hinila niya ako sa couch para maupo, gulat na gulat pa rin ako sa sinabi niya.

"Tama lang na tinanggap mo rin ang pagiging ICAD co-chairman, at mas nakitang pwede naman pala ang bloodless approach sa drug war. Well, sa findings ko, most drug lords ay may mga contacts abroad at mga tauhan sa mga ahensya para hindi ma detect ang pagpasok ng droga."

Hindi na bago sa akin iyon, pero shookt ako na si Risa, of all the senators ngayon ang may hawak ng first hand information.

"Nangangamba naman ako sa kaligtasan mo, mapanganib itong ginagawa mo, Risa."

"Kung para naman sa bayan, bakit hindi?" ngiting sambit niya sa akin.

"Kaya ba—"

"Si Robin? Oo, i need to be close to him.. Tiwala naman siya sa akin, don't worry ingat na ingat ako."

LenRisa: One shot AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon