Aswang 3 ( Horror AU )

284 14 2
                                    

Mula ng naging malapit sina Leonie at Therese sa isa't isa, masaya ang mga magulang nilang dalawa.

Napapansin na nga ni Mang Gener ang kakaibang ngiti ng kanyang unica hija, ganun din sina Ginoo at Ginang Navarro kay Therese.

"Anak, diretsuhin mo nga ako.. May gusto ka na kay Therese?" tanong ni Mang Gener habang tinatabasan ang kawayan,

"Tay, huwag po sana kayong magagalit. Opo, may nararamdaman na ako sa kanya, ang hirap po kasing malayo sa kanya kapag magkasama kami." ika ni Leonie habang nakangiti.

"Wala namang kaso sa akin, basta kung saan ka masaya. Iyon din naman ang gusto ng iyong Nanay, na kapag nasa hustong gulang ka na ay magmamahal ka na." aniya, lumapit ito sa kanya at yumakap. "Dalaga na talaga ang anak ko!" biro pa nito.

Ngunit naputol iyon ng may marinig silang mga kaluskos sa bubong, naghanda ang mag ama sa kung ano man ang mangyayari.

Isang malaking ibon na kulay itim ang pumapagaspas at may mga kasama ito, mga tiktik. Malamang mga resbak dahil namatay si Bernard.

Hawak ni Leonie ang kanyang bolo at si Mang Gener nama'y hawak ang buntot-pagi at baril na may halong pulbura at pinulbos na bawang.

Lumabas ang mag ama, hindi nagpatumpik-tumpik pa ang mga alagad ng dilim at sinugod sila.

Lumundag ang isang tiktik kay Leonie at nasaksak niya ito, at ng mahugot niya ang bolo, napatingin siya kay Mang Gener dahil pinagtulungan ito ng mga iyon.

Nakita niyang muli na nagbago ng anyo ang malaking ibon at naging mabangis na aso at nilundag ang kanyang ama, isinangga ni Mang Gener ang kanyang mga kamay ngunit nilapa ito.

Nauulit na naman ang nakakakilabot na pangyayari noon bata pa si Leonie, nagbago na naman ng anyo ang aso at nagulat si Mang Gener na kilala nila ito.. Si Mang Serafin, agad nitong itinusok ang kanyang matulis na kamay sa dibdib ng kawawang matanda at dinukot ang puso nito.

Napahiyaw si Leonie ng napaluhod sa kanyang mga tuhod si Mang Gener, wala na itong buhay. Naka ngisi si Mang Serafin at nagbago ng anyo bilang malaking ibon at umalis kasama ng mga tiktik.

Agad na lumapit si Leonie sa nakayukong ama at niyakap ito, humiyaw siya ng napakalas at narinig ito ng mga taong bayan, nagpunta sila sa bahay ng mga Bonifacio at doon nga nila nakita ang kanilang matapang at mapagmahal na kapitan—wala na itong buhay habang tumatangis naman si Leonie.

Lumapit sa dalaga ang ilang kagawad na malapit sa kanyang Tatay, ang isa ay nagtawag na ng ambulansya.

"Leonie, sige na.. Kami na ang bahala kay Kap, dadalhin na muna natin siya sa morgue." ika ni Kagawad Teodoro, unti-unti namang bumitaw si Leonie sa kanyang Tatay at inihiga ito kahit nabibigatan siya.

Dumating naman ang ambulansya at isinakay na si Mang Gener, sumama na rin si Leonie.

Huli na ng dumating sina Therese at mga magulang nito, ngunit marami pa rin ang tao.

"Ano pong nangyari?" takang tanong niya sa ale,

"W-wala na si Mang Gener.. Inatake sila ni Mang Serafin kanina, marami sila!" aniya,

"Si Leonie po, nasaan?!?" tila kinakabahan si Therese, tumingin siya sa paligid,

"Sumama sa morgue, babantayan niya ang Tatay niya." sagot nito.

     •~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

Naiburol na si Mang Gener sa tahanan nila, marami ang makiramay, karamihan mga natulungan nila mula sa pagkikipag ayos sa mga nag aaway, hanggang sa mga kailangan tawasin at tulungan itaboy ang mga aswang.

LenRisa: One shot AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon