Aswang 5 ( Horror AU )

275 17 4
                                    

EPILOGUE

Ilang taon ang lumipas, tuluyan na naging tahimik sa bayan ng San Isidro dahil sa mga ginawa ni Kapitana Leonie, bukod sa naging multi-awarded ito sa good governance ay tuloy pa rin ang pagiging manggagamot at aswang slayer niya pero sa ibang lugar na.

Sila pa rin ni Therese, at bumuo na sila ng pamilya kasama ng sanggol na inalagaan nila noon na naulila sa magulang. Legal nila itong inampon at pinangalanan na Felize, lumaki itong masiyahin at mapagmahal.

Saksi si Felize sa maraming kababalaghan ngunit ipinapaliwanag iyon nina Leonie at Therese sa kanya sa paraang maintindihan niya.

Gaya ng kanyang Ina ay nagkaroon si Felize ng mga kaibigang hindi nakikita, alam ng mga ito na anak ni Leonie ang bata.

Pinapaalalahanan ni Leonie ang anak na maging mapanuri sa mga nakakasalamuha para na rin sa kaligtasan niya.

Lumaki ng maayos si Felize, nakapag aral siya sa kolehiyo at nakapag tapos bilang inhinyero. Proud na proud sina Leonie at Therese sa kanilang unica hija, dahil sa kanya natupad ang pangarap ng kanyang Lolo Gener.

Naniniwala pa rin naman si Felize sa mga pamahiin at mga kwentong bayan lalo na't ilan doon ay naranasan niya mismo. Ngunit hindi pinilit ni Leonie na maging albularyo gaya niya ang bata, sabi niya noon, sa kanya na hihinto ang gawain.

Nalaman din ni Felize ang nangyari sa tunay niyang mga magulang, at ang paghabilin ng kanyang Tatay kay Leonie na alagaan siya.

Dumalaw silang tatlo sa puntod ng mag asawa, doon napaluha si Felize dahil nanghihinayang siya sa mga panahon na sana nandoon sila, inalo siya ni Therese.

Ang pagmamahal ng kanyang mga Nanay ang nagpuno ng kakulangan sa kanyang puso, niyakap ni Felize sina Leonie at Therese at nagpasalamat sa lahat ng ginawa nila para sa kanya.

Nakapag ipon naman si Therese at nagsimula silang mag negosyo, isang grocery store at lumaki iyon.. Dahil na rin sa tulong ng mga "kaibigan" ni Leonie.

Masaya silang namuhay sa piling ng isa't isa kasama ang kaisa-isang anak.

- END -

     ❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁❁

Forda thank you ang ferzon sa pagtangkilik ninyo sa first horror au hihi.

Stay tune for more updates, labs na labs! 💗💜

LenRisa: One shot AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon