Undercover ( 5 )

621 20 6
                                    

"Hello, sino ito?"

"Ris, ako 'to! Punta ka dito sa office, may sasabihin ako."

"Ay, Major! Hehe, sige dadaan ako diyan mamaya.. Actually, nasa labas ako with Inspector Ted, gusto mo ba ng lunch? Ibibili na kita!"

"Uhm, sa karinderya na lang nina Aling Elsie ka bumili ng makakain, dalawang bicol express saka kanin tatlo. Thank you sa libre!"

"Ay wow, wala pang sweldo ha bawal ang libre.. Babayaran mo 'ko pagpunta ko diyan!"

"Ganun ba, eh kung sexy time na lang ang bayad, pwede ba 'yon?"

"Ang lakas ng boses mo, yung tingin ni Teddy sa akin dito oh! Pakyu ka, Teds!"

"Joke lang, hehe! Abot ko na lang later!"

"Ha, joke lang 'yon? Sayang papayag sana ako! Hehehehe joke! Aguy, tado ka Teddy ha!"

Napailing na lang si Leona sa kausap, "Sige babe, mamaya na lang ha. Love you!"

"Love you too, ingat ka!"

Isang oras ang makalipas..

"Hi, Major! Heto na yung pinabili mo, tatlong kanin saka dalawang bicol express! Bale, 150 lahat!" sambit ni Ris ng makapasok siya sa opisina ni Leona, tumayo naman ang huli sa upuan nito at hinila si Ris palapit sa kanya.

"Mamaya na kita bayaran, Babe.." niyakap niya si Ris at isinubsob ang kanyang mukha sa dibdib nito.

Naramdaman ni Leona na marahang sinusuklay ni Ris ang buhok niya, yumakap na rin ito sa kanya.

"Huwag mo kakalimutan ha, 150 'yon!"

"Hmm.. Unbutton your polo, babe pwede?"

"Mga ilan ang gusto mong i-unbutton ko?"

"Mga tatlo.. Please?"

Marahan naman inalis ni Ris ang pagkabutones ng kanyang polo, yumakap ulit si Leona sa kanya at panaka-nakang hinalikan ang dibdib ni Ris.

"L-Leonaa.. Ang aga namaan!"

"Hmm.. Sarap, shet!"

"Babe.. Gusto ko—"

May kumatok sa pinto kaya natigil silang dalawa, agad namang tinulungan ni Leona si Ris na ibutones ulit ang kanyang polo bago papasukin ang nasa labas.

"Nakaka istorbo ba ako, Major?" tanong ni Romualdez kay Leona,

Actually, oo! Papunta na doon eh!  sa isip ni Ris.

"Ano 'yang hawak mo, Sir?"

"Pinaabot ni Hepe sa akin, intel daw 'yan."

"Thank you for this!"

"Uhm, Major.. If you don't mind, pwede ba kitang ayain sa Sunday?" sambit ng binata,

"Bong, sorry talaga ha.. I'll be frank with you,
i appreciate your time and effort pero hindi ko deserve yung mga ipinapakita mo sa akin. Actually, i'm into girls! And this woman beside me, i'm courting her!"

Gulat ang ekspresyon ng mukha ni Bong, naglipat ang tingin niya kay Leona at Ris.

"Ahhh.. Hehe, ganun ba.. Well, thank you for being honest with me. Sige, mauna na ako!" marahan pang isinara ni Bong ang pinto paglabas niya.

"Huuy, bakit parang ang sakit naman nun?" tanong ni Ris kay Leona, habang inaayos nito ang kakainin nila.

"Mabuti nang alam niya, kaysa naman paasahin ko yung tao.. Nakakahiya naman."

LenRisa: One shot AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon