Chapter 1

820K 10K 507
                                    

Chapter 1

Ang init naman talaga sa pilipinas mabuti hindi pa ako nagkaroon ng heat stroke nito. Kahit maaga ka umalis sa inyo ay aabutan ka pa rin ng traffic at dagsa ng tao.Sabayan mo pa ng init ng araw talagang sira na ang araw mo pero hindi yun pwede sakin kahit danasin ko pa to araw-araw para lang makapunta sa trabaho ko ay gagawin ko.

Alas kwatro pa lang ng madaling araw ay kailangan ko ng gumising. Magayos at kumain at lahat ng dapat kong gawin bago pumasok at bago tumuntong ng alasais ng umaga ay dapat ay wala na ako sa bahay ng hindi ako malate at hindi pa naman ito pupwede sa kompanyang pinapasukan ko.

Nakaabot na ako sa istasyon ng LRT para mabilis at hindi na ako kailangang magpapalit-palit ng sasakyan. Sa loob naman ng LRT ay siksikan naman at asahan mo na hindi ka na makakaupo kaya tumayo na lang ako sa gilid at humanap ng makakapitan para hindi ako maout of balance kapag umandar na.

Kinuha ko muna yung headset ko at naghanap ng maaaring mapakinggan ng hindi ako mabagot sa byahe. Lahat ng klase ng tao ay lagi kong nakakasakay meron studyante, senior o mga katulad ko rin na nagtatrabaho kaya minsan hindi ko rin ramdam yung hirap ko kasi alam ko na hindi rin naman ako yung nakakaranas ng mga paghihirap ko.

Pagbaba ko ng LRT ay sasakay pa ako ng jeep at kailangan ko pa rin na sumakay ng MRT naman para makarating na ako sa dapat kung puntahan. Bago ka makapagtrabaho ay ubos na agad yung inipon kong energy sa pagbyahe pa lang paano pa kapag hinarap ko na yung mga gagawin ko na sandamakmak na mga files at kung anu-ano pa.

Nakarating na rin ako sa wakas sa Villacorte Corporation. Isa ito sa mga sikat na kompanya ngayon sa buong pilipinas at nagsisimula na rin makilala sa ibang bansa. Ibat iba kasi ang line ng kompanyang ito meron sa food, fashion, real estate properties at marami pang iba.

Hindi kasi sila nagcoconcentrate sa isang produkto lang kaya lumaki ito at ngayon ay nakagawa na ng sariling pangalan. Isa rin ito sa pinakamataas na building sa Makati at nakapaskil sa harap ang malalaking letter na VILLACORTE COMPANY. Kaya lahat ng taong napapadaan rito ay mapapatigil talaga para hangaan ito.

Papasok na ako sa main entrance ng makita ko si Manong Roel. Isa siya sa matagal ng security guard rito. I think nandito na siya noong hindi pa ako empleyado rito. Mabait siya at isa siya sa mga una kong naging close ng magumpisa ako. Siya ang nakaassign sa main entrance kaya lagi kaming nagkikita.

"Good morning po"

"Good morning rin, iha. Maaga ka ngayon para sa start ng working time mo."

"Okay na po ang maaga kesa sa late po at magkaroon pa ako ng bad record."

"Alam ko pa naman sa inyo ay nagkakaroon agad ng record kapag malate ka lang ng isang minute ay bibigyan na agad kayo ng warning."

"Opo kaya nga po uunahan ko na yung orasan sa department namin bago pa biglang umikot ng mabilis at pagiwanan ang time card ko."

"Ikaw talaga palabiro ka talagang bata ka. Sige umakyat ka na at baka malate ka pa." nagpaalam na ako kay manong Roel at nagtungo na ako sa elevator at pinindot ang 25 para sa foor namin.

Habang naghihintay ay may mangilan rin na nakakasabay ako. Maging sila rin ay pumapasok ng maaga. Sigurado ay ayaw rin nilang mawarningan. Noong nagsimula ako rito ay wala pa naman akong nababalitaan na nagkaroon ng record ng tardiness dahil sa hindi pagpasok sa takdang oras.

Sa wakas ay nakarating na ako sa floor namin at nakita ko na rin ang iba ko pang kateam. Nasa Financial Department kasi ako. Merong ibat ibang team para rito. Sa bawat team ay may limang miyembro. Kami ay nakaassign sa clothing. May mga branch kasi ang Villacorte ng clothing line at bawat branch ay may nakaaasign na team para tingnan yung financial status nito.

"Good morning Cass"

"Good morning"

"Good morning Cassandra"

Sabay na bati nila Hanz, Kim at Laurel. Sa team namin ay may ibat ibang role si Hanz ang auditor, si Kim ang gumagawa sa income statements, si Laurel sa tax compution at ako ay sa financial statements. Si Brix ay sa cashflows naman. Kaya lahat kami ay tulungan kapag pinapapasa na yung mga report sa management.

"Good morning rin sa inyo. May kulang pa sa atin. Na saan na si Brix?"

"Hay wala pa nga kanina pa kami rito pero siya wala pa" sabi ni Laurel.

"Maaga pa naman baka natraffic lang sa daan" tanggol naman ni Hanz.

"Pustahan tayo last minute nandito yan" hamon sa amin ni Kim. Ito talagang babaeng ito mahilig makipagpustahan sa amin.

Tiningnan ko naman yung orasan 20 minutes pa bago mag-8. Saktong 8 am kasi ang start ng working time namin at kapag lumampas ka patay ka dahil nakarecord ito sa system ng kompanya. Bigla na lang may susulpot para tawagin ka. Ang alam ko kapag nakadalawang report ng tardiness ay matatanggal ka na.

"Huwag ka naman ganyan, Kim. Huwag kang magdilang-anghel at baka magkatotoo yang sinasabi mo"

"Ano ka ba Cassandra. Hindi ka pa ba sanay dun kay Brix. Kung hindi last minute ay nasasaktuhan niya yung pagpatak ng 8 sa orasan. Ang galing nga nun laging ganun ang ginagawa niya pero wala pa siyang record"

"Bakit ba kasi ganun si Brix at laging late. Sa ating lima siya naman yung malapit lapit yung bahay pero siya naman ang laging late" ang alam ko ay dalawang sakay lang mula sa kanila papunta rito ay makakarating na siya.

"Ewan ko ba naman sa lalaking yun at parang laging puyat at hindi makagising ng maaga para pumasok"

"Ang sabihin niyo ay mahirap lang gisingin kaya ganun siya" sangayon ako kay Laurel. Baka nga ganun.

"Dinaig ka pa nga nun Cass. Ikaw ang pinakamalayo sa ating lima pero nagagawa mong makarating ng maaga. Bahagian mo nga ng kasipagan mo ng maging masipag rin sa paggising ng maaga."

"Talagang ako pa ang ginawa mong example, Hanz"

"Wait tingan niyo last minute na pagpatak ng last 10 seconds bilangan natin si Brix. Tingnan natin kung aabot siya"

"Ang kulit mo talaga, Kim"

"Okay sige na, Game?" Tanong ko sa kanila.

"Game"

"Game"

"Game"

Tiningnan ko yung orasan at ilang sandali na lang ay mag10 seconds na lang. Kapag wala ka pa rin Brix patay kang bata ka. Mapapatawag ka mamaya.

"10"

"9"

"8"

"7"

"6"

"5"

"4"

"3"

"2"

"1"

"I'M HERE!" sigaw ng kararating lang na si Brix. Saludo na ako sa kaniya at talagang sumigaw pa kahit alam niyang late na siya.

"Hoy anong 'I'M HERE' pang sinasabi mo anong oras na at late ka na." patay ka ngayon kay Kim.

"Anong late ka dyan. Hindi pa kaya hindi mo ba nakita sakto ako sa oras."

"Pinagmamalaki mo pa yung sakto mo Brix at tingnan mo kaya yung orasan 8 am na at ngayon ka lang dumating!"

"Bakit 8 am naman yung pasok natin? Nagbago na ba yung oras at may memo na bang nilabas na nagbago na ang oras ng pagpasok?"

Wala na malala na siya. Hindi niya nagets yung gustong sabihin ni Kim. Dapat ay maaga sa 8 am ay kailangan niyang pumasok. Tinanong pa sa amin kung nagbago yung oras?

"Bahala ka sa buhay mo Brix at kami ay magsisimula ng magtrabaho."

"Ano nga?. Cass nagbago na yung oras ng papasok?"

"Huwag mo na siyang pansinin Cassandra at mukhang mayhangover pa yan sa puyat niya."

Hindi ko na siya pinansin at kailangan ko ng umpisahan ng matapos kami agad sa mga trabaho namin at paniguradong mas dadami pa ito bukas kapag hindi pa nasimulan.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon