Chapter 2

374K 7.5K 203
                                    

Hindi ba mauubos itong mga documents na kailangan namin mareview dahil malapit na kasi ang pagpass namin ng mga report sa management. Bawal pa man kami malate sa pagpasa into at malilintikan kami.

Yung nakatoka pa naman sakin ay importante sa report na ipapasa namin. Magkamali lang ako at lahat na ng mga iba pang trabaho ng mga kasama ko ay mali na rin kaya kailangan ko talagang pag-aralang mabuti.

"Cassandra tapos na ba yung sayo?"

"Hindi pa Brix. Huwag kang mag-alala tatapusin ko rin agad para matingnan mo kung nagtugma lahat ng amounts sayo"

"Okay lang. Take your time. Hindi ko pa naman kailangan kaya huwag ka masyadong mataranta dyan baka bigla na lang sumulpot si Kim at batukan ako dahil inaapura kita."

"Ikaw talaga puro ka biro. Hindi naman ganun kabrutal  si Kim"

"Anong hindi lagi kaya ako nun pinapalo ng mga makakapal na mga folder o kaya naman laging nakasigaw akala mo nanay ko"

"Malilintikan ka talaga nun kapag hindi ka tumigil sa kakareklamo mo sa kanya"

"Ano ka ba naman sanay na sa ko kaya hindi na ko takot kung marinig niya"

"CASS!"

Napatingin naman ako sa taong sumigaw sa pangalan ko, si Kim lang pala.

"O bakit ka ba sumisigaw dyan?"

"Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko!"

"Ano ba yun at nasaan ba si Laurel?"

"Ayon nauna na sa restroom para magayos. Inunahan pa nga ako."

"Ano nga ba kasi yung sinasabi mo kanina?"

"Si sir Clyde. Bibisita siya sa bawat floor ngayon."

"Ahh si Mr. Villacorte lang pala. O bakit natataranta kayo dyan?"

"Dyusko naman Cassandra nilalang mo lang siya. Isa siya sa sikat na bachelor ngayon tapos successful pa siyang businessman. Hindi lang yun sobrang gwapo pa niya at-"

"Sobrang istrikto rin. Kapag nagkamali ka tanggal ka agad. Wala kang second chance at hindi rin uso sa kanya yun. Sa secretary na lang niya ilang beses na ba siyang nakapagpalit? Hindi na mabilang di ba? Kaya kesa alamin ko lahat ng tungkol sa kanya at magpaganda para lang mapansin niya. Magtatrabaho na lang ako kesa makipagsabayan sa pagpapansin sa kanya"

"Wow Cassandra ang haba ng sinabi mo at parang may pinanghuhugutan ka sa lagay na yan" sabi ni Kim. Bakit totoo naman yung mga sinabi ko sa kanya.

"Magsabi ka nga ng totoo talaga bang hindi ka pa nagkakaboyfriend?"

"Bakit naman yun napasok sa usapan?"

"Para ka kasing may experience na kung magsalita ka dyan"

"Huy!! Ano ba yang ginagawa niyo dyan malapit na silang pumunta sa floor natin. Kim pumunta ka na ng restroom kung mag-aayos ka at ikaw Cass sumama ka na kay Kim."

Dumating na si Laurel. Talagang todo ayos sila at nakamake-up pa. Sinunod na ni Kim yung sinabi ni Laurel.

"Hindi ko na kailangan mag-ayos. Okay na ko."

"Bahala ka dyan. Ikaw naman Brix linisin mo naman young table mo. Ang kalat at nakakahiya kapag nakita ni sir"

Bahala na sila may binabasa pa akong documents ngayon. Para konti na lang mamaya. Aayusin ko lang naman yung buhok ko at maglalagay lang ng lip gloss pwede na yun.

"Guys paparating na sila." Sabi ni Hanz. Natatanaw niya kasi yung elevator mula sa table niya.

Binaba ko muna yung hawak ko at inayos yung buhok ko. Messy bun yung ginawa ko. Kahit ano naman ang gawin ko magulo pa rin yung buhok ko hindi kasi pantay-pantay at naglagay na ako ng lip gloss.

Tumayo na kami para salubungin sila pero bago yun at kinuha ko ulit yung binabasa ko kanina mahaba naman yung oras bago sila makarating sa table namin. Nasa bandang dulo kasi kami. Kaya okay lang kung magbabasa ako habang naghihintay.

So wala naman palang pagbabago yung status ng botique. Mabenta pa rin at hindi naman nalulugi. Ang dapat ko lang gawin ay iestimate yung mga amounts ng mga assets tapos tingnan kung ano pa yung mga bayarin para magawa ko na. Kaya ko to- siniko ako ni Laurel. Bahala siya ang ganda na ng mga naiisip kong plano para mamaya tapo-.

"Aray! Masakit na yun ha! Ang tulis ng siko mo Kim. Mababalian pa yata ako sa ginawa mo"

Pinandidilatan ako ni Kim. Iba na ba yung trip niya. Kahit anong gawin niya hindi na lalaki yung mga mata niya singkit kasi. Parang may tinuturo siya hindi ko man magets.

Napatingin ako sa harapan ko at may taong nakatayo sa harap ko. Kinakabahan ako. Unti-unti akong tumingala para makita kung sino siya at pagtingin ko si sir Clyde Villacorte. Patay ako nito.

"You are so busy of reading that documents of yours that's why you  were not aware that I am standing in front of you."

"Umm I am s-sorry sir"

"No it's okay but next time do the reading part in your desk."

"Y-yes s-sir" umalis na siya kasama yung iba pang head ng ibat ibang department pero hindi nakaligtas sa akin ang pagngiti niya.

Bakit siya napangiti. Nakakatawa ba yung ginawa ko?

Hindi nga nagsisinungaling si Kim. Ang gwapo niya nga pero ang hindi ko makalimutan ay ang kanyang green eyes na parang inaakit ako.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon