Pasasalamat 💕

277K 5.4K 2.3K
                                    

Maraming salamat sa inyong lahat na kasama sa pagsisimula ng story kong ito. Sa mga taong matiyagang naghintay sa akin para masubaybayan ang kwento nila Cassandra at Clyde.

Nakasama ko kayo sa mga nangyari sa kwento nila. Aaminin ko na kapag nagsusulat ako, minsan kinikilig ako kapag natapos na. Naranasan ko rin ang nararamdaman niyo kahit ako ang gumawa nito.

Hindi ko inexpect na magugustuhan ng ibang tao ang gawa ko. Nangarap lang ako na makagawa ng kwentong masasabi ko na ako ang nag-isip para mapasaya ang mga taong babasa ng mga story ko.

Sa mga taong nagustuhan ito, salamat po ng marami sa inyong suporta hanggang sa huli nandyan pa rin kayo. Hindi kayo bumitaw at natapos niyo ang kwentong ito.

Madaling magsulat sa umpisa pero ang hirap ng sundan kapag tumatagal na. Akala ko noon madali lang pero ng humaba na ito, mahirap pala. Masaya akong may natapos na rin na ginawa ko at nagustuhan niyo.

Sa mga haters ko, salamat rin dahil sa inyo ginusto kong matapos ito. Nalaman ko rin na maraming sumusuporta sakin at handang umintindi sa mga pinagdadaanan ko.

Alam kong nabitin kayo sa My So Strict Boss. May karugtong ang kwento nila Cassandra at Clyde, ang title "You're Still The One". Sana katulad ng ng book 1 ay masuportahan niyo rin ang book 2. Salamat ulit ng marami. I love you all....❤

❤

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon