Chapter 49

132K 2.7K 15
                                    

Umabot ng #15 ito. 😍 Salamat sa inyo. Subukan niyo rin sana ang ibang stories ko para maiba naman. Hehehe. Pagpasensyahan na kung may wrong grammar.

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

~¤💞¤~

Hinihintay kong lumabas ang dalawa na kanina pa nagsusukat ng mga kinuha nilang damit. Nagyaya silang lumabas para makalimutan ko ang mga problema ko kaso hindi naman nakatulong sa akin.

Kahit anong pilit nila sa akin na gayahin sila sa pagsusukat ay pinili ko na lang na maghintay sa waiting area. Naalala ko na naman ang pagkikita namin. Iniwan ako ng daddy ni Clyde sa conference room na parang walang nangyari sa pagitan namin. Hindi ko siya nakitaan ng konting konsiderasyon sa mga sinabi niya.

Ang baba ng tingin ko sa sarili ko ng mga oras na yon. Wala pang nakakapagsabi sa akin ng mga binitawan niyang mga salita. Minaliit niya ang pagkatao ko dahil lang sa wala akong pwedeng ipagmalaki sa kanya.

Hinanda ka na ang sarili ko sa mga pwedeng mangyari sa relasyon namin ni Clyde. Simula pa sa pagbabanta ni Lancen na paghihiwalayin kami tapos ngayon ang ama pa pala niya ang dapat kong katakutan sa mga kaya niyang gawin.

Hindi ko na sinabi kay Clyde ang pag-uusap namin dahil baka ako pa ang pagsimulan ng away nila. Ayoko na rin dagdagan ang iniintindi niya. Alam kong nahihirapan na rin siya nitong mga nakaraang linggo na lagi siyang may inaasikasong mga papales sa office niya.

"Bagay ba?"

Tinignan ko ang mga suot nila. Magaganda ang mga napili nilang dress. Hindi ko lang alam kung saan nila gagamitin.

"Bagay sa inyong dalawa."

"Mabuti naman ay nakahanap na ako ng isusuot. Ang dami ko ng sinukat at wala akong magustuhan."

"Saan ka ba pupunta?"

"Makikipagdate. Nakakainggit na kasi kayong dalawa ni Kim. Ikaw may Clyde tapos isang to may Alex."

Inalis ni Kim ng kamay ni Laurel na nakaturo sa kanya.

"Huwag mong maidikit sa pangalan ko ang walangyang yon. Hindi ko kaano-ano ang lalaking yon at wala akong pakiaalam sa kanya. Nabulok na sana siya sa kulungan kung hindi lang nakalabas at ginamit ang impluwensya niya."

"Hindi mo ba alam ang kasabihan na 'The more you hate, the more you love'? Pakipot ka lang at pinapahirapan si Sir Alex. Kung gusto mo akin na lang siya, Kim, para ako na lang ang tawagin niyang vanilla."

"May alam rin akong kasabihan, Laurel. In fact, ginawa ko para sayo."

"Ano yon?!"

"Ang babaeng matabil ang dila, dapat binubusalan ang bibig ng hindi na makialam sa problema ng iba. Ang ganda di ba? Gawin ko na sayo para tumahimik ka muna kahit sandali."

Nakakatuwa silang tingnan na kahit hindi magkasundo ay alam mong wala silang dinadalang problema na katulad ng sa akin. Nakakamiss rin na lumabas kaming tatlo at pumunta sa mall kapag gusto naming maglibang.

"Magsukat ka na kasi,Cassandra. Libre lang ang magsukat at bumili ka na rin ng bago mong damit. Dapat kasi palitan mo na yang suot mo. Boyfriend mo ang isang kilalang bachelor ng bansa tapos manang ang mga sinusuot mo."

Binili nila ang dress na sinuot nila at lumipat kami sa bagong kilalang store ng mga damit. May mga skirt at office attire ang mga nandito. Kumuha sila at binigay sa akin.

"Isukat mo yan."

Tinulak nila ako papasok sa fitting room kaya wala na akong nagawa at sinuot ang napili nila. Ang dami pa nilang kinuha kaya nagtagal kami. Bagay sa akin ang mga napili nila pero ng tingnan ko ang price ay inayos ko ng mabuti ang lahat ng ito para maibalik ng maayos. Ang mahal ng bawat isa at hindi ko kayang gumastos para sa ganoong klaseng damit. Nakakahiya pa sa mga sales lady ang ginawa namin.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon