Message: Read or Not

127K 2.2K 320
                                    

Hindi po ito update kundi message po para sa mga readers ng story ko po. Maraming salamat sa mga nagbabasa o nagvote ng mga chapters na ginagawa ko. Salamat din sa mga comment na sinasabi niyo. Malaking bagay po sa akin na nagugustuhan niyo ang gawa ko. Sa mga nakalipas na chapter, aaminin ko na gusto kong  dumami yung comments niyo sa akin. Kahit po itanong niyo pa sa ibang author na ginagawang inspirasyon nila ang sinasabi niyo sa kanila.

Lagi po akong nagpapasalamat sa inyo pero sana po huwag niyong naman isipin na kaya ako hindi nakakapag-update para dumami pa yung comments niyo.   Sana naman naisip niyo na may mga ginagawa din ako aside from wattpad. Sa totoo lang po, inaabot ng ilang oras ang paggawa ko ng bawat chapter at minsan po inaabot ako ng madaling araw para lang po makapag-update. Alam po ng iba sa inyo dahil nababasa agad nila ang update ko kapag madaling araw na. Marami rin po akong ginagawa at nag-aaral rin po ako.

Nasabi ko rin sa inyo na may bad comments sa story ko. Nawalan po talaga ako ng gana sa pagsusulat pero dahil sa inyo ginusto ko pa rin itong ipagpatuloy. Tinatanggap ko na ang lahat ng sinasabi niyo pero ang sabihan ako ng masasakit na salita ang hindi ko kayang tanggapin. Sabi nga ng isa sa inyo na huwag maging sensitive pero hindi ko magawa this time. Huwag niyo naman po sanang sabihin na lumaki ang ulo ko or what dahil marami na pong nakakakilala sa story ko. Alam naman po ninyo na minsan na matagal ang pag-update ko. May nakakachat rin po ako na nagtatanong kung kailan at sinasagot ko na hindi ko pa po alam at naiintindihan nila. Bakit po yung iba, hindi katulad nila?

Pagsasalitaan pa ako ng ganon. Hindi po madali ang magsulat at mag-imagine ng mga bagay na kahit ako hindi ko pa nagagawa. Hobby ko lang po talaga ito. Hindi rin po ako mayaman para magpaload araw-araw at wala kaming wifi katulad ng iba sa inyo.

Kung magagalit po kayo sakin dahil dito, okay lang po. Kahit huwag niyo ng basahin ang story ko, I don't mind. It's your choice and if ever wala ng magbasa nito, mag-update pa rin ako hanggang matapos ko to. Katulad niyo rin po ako na nagbabasa ng wattpad kahit nagsusulat ako, naiinis rin po ako kapag matagal ang update pero hindi ko naisip na magmessage sa author at sabihan ng masasakit na salita. Respeto at pag-iintindi sa kanila ang binibigay ko, sana po ganon rin ang mangyari sakin.

Salamat po kung babasahin niyo ito para maintindihan ang side ko. Mag-update po ako pero hindi ko alam kung kailan ko matatapos. Nalabas ko na rin po yung saloobin ko. First time ko po kasing masabihan ng ganon talaga kaya sana pagpasensyahan niyo na ako kung tingin niyo nag-iinarte ako at ginawa ito. Salamat po sa pagsuporta sa story ko.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon