Chapter 64

156K 3.9K 711
                                    

May free time na akong magsulat ngayon pero balik review ulit sa mga susunod na araw. 😊

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

~¤💞¤~

Ang gaan ng pakiramdam ko. Kinapa ko ang katabi ko pero wala ito. Umalis na ba siya ng hindi man lang nagpapaalam sa akin? Umupo ako at hinanap siya sa buong kwarto.

"Hindi niya ako ginising..."

Bumukas ang pinto at pumasok si Clyde. May dala siyang pagkain. Ngumiti ito ng makitang gising na ako. Binaba niya ang dala niya sa kama at lumapit sakin.

"Good morning, mommy."

Hinalikan niya ang noo ko napunta sa ilong at nagtagal sa labi ko. Napangiti ako sa ginawa niya.

"Ang aga pa lang, nakahalik ka na, daddy."

Inulit na naman niya at umupo rin sa kama kaharap ko. Kinuha niya dala nitong pagkain. Hindi ko napigilan ang matawa sa suot niya. Nakasuot ito ng apron ko. Pinigilan ko lang na gawin ito noong una ko siyang makitang suot ito dahil magkagalit kami.

"Bakit ka tumatawa?"

Tumigil ito sa ginagawa at nagtataka sakin. Hinawakan ko ang pisngi niya at kinurot. Nanggigigil talaga ako sa mga pisngi niya. Namumula ito kapag pinipisil ko.

"Ang cute mo kasi sa apron ko."

"Naalala ko kasing na ayaw mong hubarin ko ito."

"Kapag ba sinabi kong hindi mo na tatanggalin yan, gagawin mo ba?"

Sinubuan niya ako, "Kumain ka na. Baka magutom si baby."

Halatang umiiwas siya. Hindi na siya tumitingin sakin. Natapos kami at lumabas na siya para dalhin ang pinagkainan namin sa kusina. Kumuha ako ng damit para makapaghanda na rin sa pagpasok.

Kalalabas ko lang ng banyo ng pumasok sa kwarto si Clyde, "Where are you going?"

"Sa baba. Papasok na sa office."

"Sinong nagsabi na papasok ka ngayon?"

"Ako."

Lumapit ito at hinawakan ang kamay ko. Pinaupo ako sa kama. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakatayo siya sa harap ko at seryosong tinititigan ako.

"Hindi ka na papasok, Sandra."

"Bakit hindi na ako papasok? Marami pa akong gagawin kaya hayaan mo na akong umalis, Clyde."

"You are pregnant with our baby. You should stay here and rest."

"Buntis nga ako pero kaya ko pang magtrabaho."

Tumayo ako para lumabas pero humarang siya, "Papayagan kitang umalis pero laging akong tatawag sayo at gusto kong sasagutin mo."

"Oo na po, daddy. Pwede na ba akong lumabas?"

Lumapit ito at hinalikan ang noo ko, "Susunduin kita mamaya para sabay na tayong kumain."

Binuksan ko ang office namin at nagulat ng biglang may pumutok at may naglaglagan sa harap ko. Nakita kong may hawak na party popper si Brix.

"Congratulation, Cassandra!"

"Anong okasyon?"

Lumapit si Kim, "Sinabi ko na sa kanila. Nangulit kung ano daw ang resulta ng check-up mo."

"Congrats, Cass! Magiging mommy ka na!"

Niyakap ako ni Laurel. Lumapit rin si Brix pero pinigilan ko siya. Baka naglagay na naman siya ng perfume, papalabasin ko talaga siya.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon