Chapter 60

160K 3.5K 463
                                    

Alam kong naiinis na ang iba sa inyo sa sobrang late ng update ko at sana nabasa niyo yung post ko para malaman ang reason ko. So sobrang busy ko na ngayon kaya nakakalimutan ko na ang wattpad. Sana habaan niyo pa ang pasensya niyo sakin. Tatlo pa ang story ko na on-going at sobrang hirap mag-isip. Salamat sa matiyagang paghihintay. 😭

My Snobbish Heart - Teen fiction

The Black Archer - Fantasy

~¤💞¤~

Nagpahatid na ako pauwi sa dalawa. Hindi ko na kayang magtagal dito na alam kong nasa iisa lang kaming lugar ni Clyde. Hindi pa rin maalis ang kaba ko sa sinabi ni Cellon. Hindi siya sigurado kung nakita ba ako o hindi. Ayoko ng madagdagan pa ng iniisip ko at hihintayin ko na lang siya pagkauwi galing sa meeting niya.

"Huwag mong masyadong isipin ang nangyari kanina, Cassandra." Tumingin ako sa tabi ko.

"Hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-isip ng kung anu-ano ngayon, Cellon. Kinakabahan ako mamaya kapag umuwi na siya."

Anong sasabihin ko kapag nagtanong siya? Wala akong maisip na magandang dahilan kung bakit ko kasama sila.

"Sabihin mo na sinamahan ka namin sa mall. Tapos ang usapan kaya huwag ka ng mataranta dyan." Kung ganoon lang kadaling sabihin iyon, Callen.

"Mag-isip ka naman, bro! Kung sasabihin ni Cassandra na nagpasama siya sa atin. Magtatanong yon kung bakit tayo ang isinama niya at hindi ang kaibigan niya. Mag-iisip ng hindi maganda si Clyde sa kanya. Hindi nga niya alam na pinsan natin ang girlfriend niya kaya hindi pwede ang naisip mo!"

"Bakit ka galit! Nagsuggest lang ako tapos naninigaw ka. Hindi ko pa nga nakakalimutan ang atraso mo sakin, dadagdagan mo pa! Sige ganito tayo, Cellon, akala mo ba aatrasan kita sa sigawan sa loob ng kotse!"

Tinakpan ko ang magkabilang tenga ko sa sigawan ng dalawa. Ako ang may problema dito pero ang lumalabas na ako pa ang dapat magpatahimik sa kanila para makapag-isip ako ng maayos dahil sa mga malalakas nilang boses.

"Shut up! Stop your nonsense quarrel and shut your mouth. I can't think right now if both of you will continue shouting like a children. I will throw you both out of this car and I will go home on my own!"

Natahimik ang katabi ko pero ang nakaupo sa likod ay ayaw tumigil sa kakasalita, " You can't do that, Cassandra. Hindi ka naman marunong magmaneho kahit kusa pa kaming bumaba sa kotse ko. Hindi ka makakauwi." tumawa siya pero tumingin ako ng masama sa kanya at tumahimik.

Hindi pa rin nagbabago ang dalawang to. Kahit matagal na hindi ko sila nakasama, hindi pa rin nagbabago ang ugali nila. Mga isip bata kapag nag-aaway. Totoo ang sinabi niya pero hindi ko na napag-isipan ang mga sinasabi ko para matigil lang sila. Ako na lang ang bababa at magtaxi pauwi kapag hindi pa talaga sila tumigil.

Tumahimik na lang sila. Iyon na lang ang maitutulong nila sakin. Malapit na kami sa Villacorte. Siguradong wala pa si Clyde. Hininto nila ang kotse at bumaba ako.

"Thank you for this day. Sorry kung nasigawan ko kayo kanina."

"Don't worry we are used to that when we were kids and until now you didn't change."

Naglakad na ako papasok sa loob. Sana malagpasan ko ang mangyayari mamaya. Please, huwag sanang magalit si Clyde kung nakilala niya ako.

Nakapagluto na ko. Nagpalit na rin ng damit. Hindi pa rin siya dumadating hanggang ngayon. Ang tagal naman ng meeting niya. Kanina pa ako naghihintay sa pagdating niya. Napatingin ako sa likod ko ng marinig ko ang pagbaba ng brief case sa sofa. Niluwagan niya ang neck tie kaya lumapit ako para tulungan siya.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon