Chapter 51

129K 2.5K 88
                                    

Highest ranking #13
OMG! Kapag ganito lagi na tumataas ang ranking nito at may mga nagcocomment, ginaganahan akong mag-update. Kanina ko lang nakita. 😍

My Snobbish Heart - Tern Fiction

The Black Archer - Fantasy

~¤💞¤~

Sa sobrang pagod namin sa biyahe ay nakatulog ulit ako kahit ang haba ng itinulog ko. Nasa iisa lang kaming kwarto nila Laurel at sa kabila naman yung dalawa. Ito ang ibinigay sa amin ng manager ng resort. Hindi na kami nag-usisa pa kay manong at wala na kaming lakas para doon.

Una akong nagising sa kanila. Madilim pa sa labas kaya kumuha ako ng jacket at baka lamigin ako. Gusto kong maglakad lakad muna. Kung gising lang ang dalawa ay masaya sana bago namin simulan ang trabaho mamaya.

May mga tao rin akong nakikita na katulad ko ay nagising ng maaga. Guato kong makitang ang papasikat na araw. Umupo ako sa buhangin. Unti-unti ng lumiliwanag at sana kasabay nito ay magandang simula para sa amin.

"Cassandra!"

Nakita ko si Hanz na papalapit sa akin. Ang aga rin niyang nagising hindi katulad ng kasama niya sa kwarto at mamaya pa magigising.

"Good morning, Hanz."

"Good morning rin. Ang aga mo naman nagising. Kanina ka pa dito?"

"Kanina pa. Mula pa kahapon ay wala na akong ginawa kundi matulog kaya talagang maaga na akong magigising ngayon. Ikaw rin ang aga mo rin nagising." Nginitian ko siya.

"Naninibago lang. Hindi na rin masama ang pagpunta natin dito. Para lang tayong nagbakasyon."

"Sana nga ganoon na lang, Hanz. Kahit anong oras ang gustuhin natin ay pwede tayong umuwi."

Ginulo nito ang buhok ko. Kaya tinanggal ko ang kamay niya sa ulo ko. Inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko.

"Huwag mong isipin na trabaho ang ipinunta natin para hindi ka malungkot dyan. Isipin mo na lang na libreng bakasyon to para sa team natin."

Dumadami na ang mga tao at maliwanag na rin ang buong paligid. Ganito pala ang mga guests dito. Maagang nagigising. Nakalahad ang kamay ni Hanz sa harap ko.

"Gisingin na natin sila para makausap na natin ang manager at malaman ang magiging trabaho natin."

Kinuha ko ang kamay niya at tinulungan akong makatayo. Bumalik kami sa mga room namin. Tulog pa rin ang dalawa kaya ginising ko sila.

"Laurel...Tumayo ka na at may trabaho pa tayo."

"Gusto ko pang matulog. Bumalik ka na lang bukas. Wala akong pambayad sayo ngayon." Nananaginip pa yata si Laurel.

"Kim, tumayo ka na dyan."

Dumilat ito at nakita ako. Umupo siya at tumingin sa paligid. Nagtagal ang tingin niya sa bintana.

"Umaga na pala. Kanina ka pa gising? Si Laurel ba gising na?"

"Kanina pa. Ayaw gumising ni Laurel. Siya na ang unang kong ginigising at napagkamalan pa akong naniningil ng utang sa kanya."

Tumayo siya at lumapit sa kama ni Laurel. Niyugyog niya ang balikat nito pero pinaalis lang ang kamay niya.

"Cassandra, pakikuha nga ang unan ko."

Binigay ko sa kanya. Pinalo niya si Laurel ng maraming beses bago tuluyang nagising ito. Kawawa naman at nasaktan pa siya ni Kim.

"Aray naman! Ang brutal mong manggising. Ang sakit ng mga palo mo. May galit ka ba sakin?"

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon